32

111 7 2
                                        

"Tangina ang aga-aga. Sino ba yung tumatawag?" tanong ko sa sarili ko

Nag-ring ang phone ko kanina, ngunit biglang nawala ang pangalan ng tumawag

Napadilat ako at nakitang maliwanag na ang paligid ko

Teka, nasa langit na ba ako?

Gustong-gusto ko pa matulog. Pinutol lang talaga nung tumatawag na hindi ko naman alam kung sino.

Inayos ko ang pagkakahiga ko at hinarap ang katawan ko sa kabilang side ng kama

Pipikit na sana ako nang biglang marealize ko na wala akong katabi. Nilinga ko yung buong kwarto, pero mukhang ako na lang mag-isa

Agad akong napa-upo sa kama. Pero pagtapak ko ng mga paa ko sa sahig ay may naramdaman akong kakaiba

Napatingin ako, at nakitang nakahiga si Ely sa comforter.... na walang suot na pang-itaas

Kanina akala ko nasa langit na ako, tangina bakit biglang napunta sa impyerno?

Kinuskos ko ang mga mata ko at tiningnan ulit kung totoo ba ang nakikita ko, o nananaginip ba ako

Buti na lang at hindi ko s'ya katabi, amen.

Medyo nakahinga ako ng maluwag doon. Kaya humiga na lang ulit ako, at hinarap na lang ulit ang katawan ko sa kabilang side

Gusto ko pang matulog nang mahimbing. Pero parang 'di na yata ako makatulog sa nakita ko.





After 2 hours, nagising na naman ako dahil sa tumatawag sa phone ko

Buti na lang naabutan ko ang pag-ring nito, kaya agad kong sinagot ang tawag

"Hello?" sagot ko sa nasa kabilang linya

Tangina nung boses ko pag bagong gising, parang boses ng lalaking pagod

[Ria, ano? Tanghali na! Wala pa rin ba kayong bang balak bumangon d'yan?] saway ni Jeng

"Ha? Ah oo- ah este, oo eto na. Tatayo na" sagot ko

[Okay kayo ah, nilock n'yo pa yung pinto-]

"Tangina si Ely naglock nun- ah basta mahabang kwento. Mamaya na lang"

[O sige na, gisingin mo na 'yang kasama mo. Mamaya magkatabi pa kayo d'yan] patawang sabi n'ya

Nilingon ko si Ely sa sahig at akmang gigisingin na ngunit nagulat ako

"Ay pota!" sigaw ko

Kanina lang nakatalikod 'to ah, ngayon nakaharap na?

Buti na lang may unan yung katawan n'ya.

Mukhang nagulat pa si Jeng nang marinig ang sigaw ko, [Oh? Anong nangyari bakla?]

"Ah wala! Muntik lang mahulog yung phone ko" palusot ko

[O s'ya sige. Dalian mo, kakain pa tayo] sabay baba n'ya sa tawag

Pagkalapag ko ng phone ko sa desk, natulog ulit ako at tinaklob ang unan sa ulo ko

Tangina ano ba yung nakita ko?

Makakatulog na sana ulit ako nang biglang may bumagsak na mabigat sa unan ko

Kinapa ko iyon, at naramdamang may kasamang kamay ni Ely yung unan

Tinanggal ko yung braso n'ya, kasabay ng unan. Ngunit nagulat ako nang biglang binagasak n'ya ulit ang kamay n'ya sa mukha ko

AlegriaWhere stories live. Discover now