40

97 9 6
                                    

"Kain muna tayo bago magrehearse!" aya sa amin ni Marcus

Kakatapos lang ng class namin. As usual, doon ulit kami sa dorm nila Ely magpapractice.

"Etong si Makoy, parang parati ka na lang gutom" saad ni Buddy

"Wala kang paki dun, Hector!" sigaw ni Marcus kay Buddy

"Tama na away! Nagugutom na rin ako kaya tara na" aya ko sa kanila

Naglakad kami papuntang Mang Larry's. Oo, sa Mang Larry's ulit.

Pagdating namin doon, ako agad ang unang lumapit sa nagtitinda para bumili ng isaw

"Apat pong isaw. Palagay na lang po sa baso" sabay abot ko ng bayad

Umupo muna ako sa gutter at nilabas ang phone ko para mag-social media. Wala rin naman akong ibang bagay na pwedeng gawin kundi 'yon lang

Habang naka-upo ako ay may biglang tumabi sa akin. Alam niyo na siguro kung sino?

"Isaw na naman?" saway sa akin ni Ely habang humihithit ng yosi niya

"Eh ikaw? Yosi na naman?" sagot ko sa kaniya

"Ano 'yan? Away na naman?" saad ni Jeng na nakatayo sa harap namin

"Teka nga, teka nga! Akala ko kasunod ko lang kayo maglakad kanina. Kaya pala ako na lang mag-isa rito"

"Eh nakakita sila ng fishball doon sa kabilang kanto e. Kaya ayan" sabay turo ni Jeng kila Rayms at Buddy na lumalantak ng fishball

"Eh si Marcus, asan?" tanong ko

Napatingin kami nang biglang may sumigaw sa gilid, "Andito ako sa isaw oh!"

Etong si Makoy, bigla-bigla na lang sumusulpot kung saan-saan

Natahimik kami pare-pareho rito sa gutter. Mga naka-upo na akala mo'y tambay lang sa kanto

Pagtayo ko at pagkuha ko ng isaw na binili ko, umupo rin ako kaagad. Sabay higop ng suka sa baso

Inangat ko ang ulo ko sa paghigop ng suka, saktong pagbaba ko, napatingin ako sa babaeng bumibili rin ng isaw

"Blythe?"

"Uy Riaaaa!" sabay takbo niya sa akin habang may hawak na isaw

Ngunit napatigil siya nang makitang....

"Ikaw si Ely 'di ba?" tanong ni Blythe sa katabi kong si Ely

"Ah oo. Ikaw yung natutulog nun sa sofa 'di ba? Nung lasing—"

Pinutol agad ni Blythe ang sinabi ni Ely, "Ah hahahaha oo ako yun! Uhm... pwede ko bang mahiram saglit si Ria?"

Siraulong Blythe. Hindi naman ako pag-aari ni Ely para hiramin niya.

"Oo nam—"

"Tara na! Wag mo na pansinin 'yan!" saad ko kay Blythe, sabay hila sa kaniya sa kabilang side ng daan

"Uy kumusta?" tanong ko habang nakagat sa isaw

"Okay lang. Ikaw ba? Pero teka, ayun si Ely 'di ba?"

"Ikaw parang 'di ka nag-aaral dito. Bakit? Nag-iba ba itsura niya? Tungak, siya pa rin yun"

"Natawa lang ako. Okay naman pala, gwapo. Saka nagyoyosi nga siya"

"Hayaan mo siya, baga niya naman yun" sagot ko, "Nga pala, anyare sa'yo nung nag-inuman tayo?"

"'Di ba sinabi ko na sa gc kagabi? Nagtutulog-tulugan lang talaga ako nun!"

AlegriaWhere stories live. Discover now