"Tangina magte-10pm na" bulong ko sa sarili ko
Ang sakit na ng mata ko. Nakailang kuskos na ko dito pero naluluha pa rin ako
Ang ingay-ingay pa nila sa labas. Mas malakas pa yung tunog ng gitara at drums nila kaysa sa tugtog ko rito
Habang tinatapos ko yung edit, bigla akong nakaramdam ng sakit ng tiyan
"Natatae pa yata ako ah"
Tumayo ako agad sa upuan ko, at lumabas ng kwarto
Paglabas ko, dederetso na sana ako agad sa cr...
"Riaaa! Tapos na yung film?" tanong ni Jeng sa akin
Mukhang mga tipsy na sila ah
At si Ely, tahimik lang.
"Hindi pa, minamadali ko na nga e" sagot ko kay Jeng
Pumasok na 'ko agad sa cr pagkatapos ng usapang 'yon, dahil ang sakit na talaga ng tiyan ko
Paglabas ko ng cr, bigla naman akong nakaramdam ng gutom
Potangina satanas, ano bang ginawa mo sa tiyan ko?
Naghanap ako ng makakain sa ref nila, at mabuti na lang binuksan ko ang freezer... Dahil may nakita akong ice cream!
Agad kong tinanong sa kanila kung kanino yun, "Kanino 'tong ice cream? Akin na lang!"
"Kay Ely yan—"
"Sige sa'yo na lang" putol ni Ely sa sinabi ni Marcus
"Thank youuuu!" sigaw ko sa kaniya
Kumuha ako ng kutsara at akmang dadalhin na sana sa kwarto pero biglang nagsalita si Ely
"Wala bang 'i love you' diyan?" sabay hithit niya sa yosi niya
"Ang 'thank you', kapareho lang ng 'i love you' tandaan mo 'yan ha?" sarkastiko kong pagbibiro sa kaniya
Kaya nagtawanan naman sila Jeng sa sinabi ko.
Bago ako pumasok ng tuluyan sa kwarto, may naalala nanaman ako na dapat kong itanong kay Jeng
"Hoy Jennifer! Anong oras mo ba balak umuwi?"
"Bukas na tayo umuwi! Diyan lang naman dorm natin, tangina 'di ko na rin kaya" reklamo niya
"Tangina mo talaga. Aaya-aya ka mag-inuman tapos ayan, 'di na tayo makauwi ngayon" reklamo ko rin sa kaniya
"Saan naman tayo matutulog dito? Bahala ka, uuwi ako, dun ako mag-isa sa dorm" dagdag ko pa
Nagtinginan naman silang lahat sa akin, kaya napaiwas agad ako
Nagulat ako nang biglang magsalita si Ely, "Kami dito sa labas, kayo ni Jeng dun sa kwarto ko"
"Huh— ah— bahala na"
Pumasok na ko sa kwarto, agad na umupo sa swiveling chair, at nilantakan ang ice cream na hawak ko
Natunaw na yung ibabaw na parte nung ice cream dahil sa pakikipagtalo ko sa kanila
Nagawa ko pang i-ig story yun habang nilalantakan ko kaharap ang laptop
Isa-isa ko nang inaayos yung clips. Nagkaduling-duling na yung mata ko sa kakalipat sa iba
Partida at nakasuot pa yung salamin ko ah.
Lumagpas na ang alas-dyis ng gabi, at hindi na kami tuluyang nakauwi ng dorm
YOU ARE READING
Alegria
FanficEraserheads Fanfic. A story inspired by the band's song, 'Ligaya.' Book Cover by: tapsilogues Date Started: November 14, 2020 Date Finished: August 13, 2021