"Nag-Megamall din pala kayo nung nakaraan?" tanong sa amin ni Marcus
Nandito kami sa Area 2 ngayon. Sabay-sabay na naglulunch.
"Ah oo. Hindi ka nga namin nakita dun eh" sagot ko
"Hay nako! Buti na lang hindi ko kayo nakita, kasi—"
"Kasi, magiging third wheel ka." putol ni Buddy sa sinabi ni Marcus
"Mismo pare!"
Natawa ako sa sinabi ni Buddy dahil mukhang ganun nga ang mangyayari kung nagkita kami
Pagkatapos nun ay nagpatuloy ulit ako sa pag-kain
"Mahal, paabot nga nung ketchup" saad sa akin ni Ely
Napatingin silang lahat sa amin. Mukhang nagtataka.
Ako rin nagtaka, at nagulat, kung bakit 'Mahal' ang tinawag ni Ely sa akin
"Mahal?! Taray, may tawagan na!" asar ni Jeng
Sumagot naman si Ely, "Kaibigan mo nag-isip. Bigla niya na lang tinawag sa akin 'yan"
Ang kapaaaaal talaga. Siya yung baliw na baliw diyan tapos ako pa yung pinagdiskitahan, duh
"Aba! Ang kapal mo!" sigaw ko habang tumatawa, "Out of jokes niya lang 'yan, Jeng"
Dagdag ko pa, "Nasa guitar store kami, napa-sabi lang ako ng 'Mahal' kasi tangina ang mahal pala talaga nung Rickenbacker. Aba paglingon ko, sabi ba naman sa akin 'Bakit Mahal?' 'di ba parang sira?"
"Hahahahahahahahahahaha sus, gusto mo rin naman"
Aambahan ko na sana ng kurot si Ely, "Alam mo—"
"Oh! Ayan na naman kayo ah" pigil sa amin ni Jeng
Pagkatapos kumain, agad na kaming nagsipuntahan sa next subjects namin.
Bago pumasok sa building, kinuha ko kay Ely yung librong pinatago ko sa bag niya kanina
"Mahal yung— ay Ely"
"Oh nadulas. Ayan, ayaw pa kasi ako tawaging Mahal"
Nung una, tinawanan ko lang siya sa sinabi niya. Pero sa huli, nangibabaw na naman yung inis ko
"Alangan namang 'giliw ko' yung itawag ko sa'yo? Mas... nakakatawa 'di ba? Hahahahahaha" saad pa niya
"Okay, okay!" sabay salubong ng dalawa kong kilay, "Mahal akin na yung libro ko. Okay ka na? Bwisit"
"Hahahahahahahahahahahaha!" tawa lang nang tawa si Ely, saka niya inabot sa akin yung libro ko, "Here's your book, Mahal"
Inabot ko naman iyon bago kami makapasok ng classroom. Pero biglang lumingon sa aming dalawa si Jeng
"Alam niyo? Kayo lang yung corny na magsyotang nakilala ko"
Napatingin kami ni Ely sa isa't isa at napangiti.
Siguro narealize namin pareho na mukhang totoo ngang corny kami.
Pero hindi rin nagtagal, nasanay na rin kami sa ganung tawagan. Hanggang sa umabot na ng isang buwan
Okay lang naman, hindi na masama loob ko. Medyo na lang. Joke hehe
"Mahal, magrereview na ko for final exams" saad ko kay Ely
"Teka, ang aga naman?"
Actually, tama nga siya. Masyado pang maaga. Although may summer classes pa kami pero nagreready na rin ako
YOU ARE READING
Alegria
FanfictionEraserheads Fanfic. A story inspired by the band's song, 'Ligaya.' Book Cover by: tapsilogues Date Started: November 14, 2020 Date Finished: August 13, 2021