5

147 6 1
                                    

"Buti na lang friday na ngayon!" sabi ni Jeng habang nagsusuklay

Lumipas ang ilang araw ng paulit-ulit na pasok-kain-tulog then repeat, sa wakas, biyernes na.

"Oo nga pala? 'Di ba tayo mag-aalmusal?" tanong ni Jeng sa akin habang nagsisintas ako

"Nakakatamad magluto, baka maubusan pa tayo ng oras" sagot ko

"Sus, porket biyernes na ngayon tinatamad ka na!" asar n'ya

Out of nowhere, biglang pumasok sa isip ko ang karinderyang natanaw ko nung isang araw sa kanto ng street. Siguro bukas na s'ya ngayon?

"Alam ko na kung saan tayo pwede mag-almusal!" sigaw ko kay Jeng

"Baka naman modus mo lang 'yan ah!"

"Ano ka ba! Nakita ko yung menu nila mukhang masarap!" dagdag ko

Agad kaming nagmadali mag-ayos ni Jeng, at saka lumabas ng dorm





Nilakad namin hanggang kanto, at nakarating na rin kami rito sa karinderyang natatanaw ko nung nakaraan pa

"Tindahan ni Aling Nena" pagbasa ko sa signage na nakalagay sa taas ng bubong

Mukhang bago nga. Palibhasa, lagi akong nasa fastfood chain.

Tatlong taon na ako rito along Kalayaan, pero ngayon ko lang nakita 'to. Gosh, halatang taong bahay. Este, dorm.

Kaagad na pumunta si Jeng sa may tindera at tiningnan ang mga almusal na nandun

Sumunod naman ako sa kanya at tiningnan ang matandang tindera

"Kayo po ba si Aling Nena?" tanong ko

"Mukhang mas malabo pa ang mata mo kaysa sa akin, anak." sabi ng matanda sa akin habang nakangiti

"Gaga ka ba? Hindi mo ba nakita sa labas? 'Tindahan ni Aling Nena'" na sinabayan pa ni Jeng ng hand gestures

"Ano bang maipaglilingkod ko sa inyo mga anak?" tanong ni Aling Nena

"Ano po ba yung pinakamasarap n'yong almusal dito?" tanong ko habang natatakam sa mga nakikita ko

"Aba'y gusto n'yo bang masubukan ang bago namin dito? Arrozcaldo!" sabay turo n'ya sa malaking kaldero na mukhang nakasalang pa sa kalan

"Sige po, sige po!" sumang-ayon naman si Jeng

Narealize kong parang bumata ulit ako ng ilang taon nang dahil sa pinagagagawa naming dalawa.

Makalipas ang ilang minuto naming pag-aantay ay sinerve na sa amin ni Aling Nena ang Arrozcaldo, kasama ang batang may buhat nung isang mangkok, na hindi naman namin kilala

"Eto na ang lugaw n'yo mga anak- ay eto pala ang anak ko, si Shirley." saad n'ya

Nagpasalamat naman kami kay Aling Nena at sa anak niyang si Shirley.

Nang matapos kami mag-almusal ay lumapit ako kay Aling Nena upang i-abot ang bayad namin

"'Wag po kayong mag-alala. Sa mga susunod na araw, baka lagi n'yo na kaming makita dito" sabi ko na may kasamang galak

"Aba'y 'wag kayong mahiyang bumalik dito mga anak!"

Nagulat kami ni Jeng nang biglang ilapit ni Aling Nena sa amin ang kaniyang mukha na parang may sasabihin pa

"Baka dito rin kayo dalhin ng mga syota ninyo ah" bulong n'ya, na nagpatawa sa amin

Huh? Syota? Dito?

"Bakit po Aling Nena? May mga nagd-date po ba rito?" pabulong ding tanong ni Jeng

"Nako anak, mas marami pa sa iniisip mo!" saad ni Aling Nena

AlegriaWhere stories live. Discover now