"Inaantok ako, gisingin mo na lang ako kapag nandyan na yung prof ah" saad ni Jeng sabay yuko sa armchair n'ya
Last week na ng buwan ngayon. Ilang araw at linggo na ang nakakalipas. Akalain mo, next month UP Fair na?
Wala pang ilang minuto na nakakayuko si Jeng, ginising ko na s'ya agad dahil pumasok na ang prof namin
"Ano ba naman 'yan. Hihiwalay pa lang yung kaluluwa ko sa katawan ko e." reklamo n'ya
Umayos kami ng upo dahil nakita namin ang awra ng mukha ng prof namin. Mukhang mainit ang ulo.
"I need to here those film critiques, right now!"
Rinig ang bulungan ng bawat isa sa klase nang biglang sumigaw ang aming prof sa film
Nagpagawa kasi s'ya ng film critique sa amin kahapon. Last na naman namin 'yon dahil acting na kami next week, pero...
"Nagbasa ako ng mga pinasa ninyong critiques kahapon, and i am really disappointed."
Bumulong si Jeng, "May nagkopyahan siguro kaya mainit ulo n'yan."
"Shhh. 'Wag ka nang maingay. Baka marinig ka pa n'yan tamo." bulong ko rin
"Ngayon, tingnan natin ang galing n'yo through recitation. I will randomly call some of you, and then, recite here in front what you've understand about the film"
"Nakakakaba nam-"
Naputol ang sinabi ni Jeng nang sumigaw si prof, "Understood?!"
"Yes, ma'am." sagot ng lahat
Kinuha ko kaagad ang isa ko pang kopya ng film critique ko sa bag at binasa ulit ang mga pinagsusulat ko. Ganun din si Jeng na nanginginig na ang kamay sa kaba
Unang beses pa lang kasi na nagkaganito yung prof namin. At mukhang may isa sa mga classmates namin ang gumawa ng hindi maganda kaya ganito s'ya magalit.
"Okay, first to recite..."
"Ama namin, sumasalangit ka..."
Biglang naging maka-Diyos si Jeng ah.
"Mr. Buendia. Please come in front."
Napatigil sa pagdadasal si Jeng nang marinig na si Ely ang tinawag. Agad n'ya ring tinanaw si Rayms, at nakita itong tumatawa nang patago
"The film is about conspiracy theories, which..." panimula ni Ely
Nakinig lang ang lahat sa kanya, at isa na ako doon.
On point at tama naman ang mga pinagsasabi n'ya sa harapan. Lahat ng important scenes, na-empasize n'ya.
Sa haba ng mga sinabi n'ya, ang lahat naman ay naintindihan ko.
"Hoy! Masyado mo naman yatang inintindi bawat salitang lumalabas sa bibig ni Ely?"
"Ako?" sabay turo ko sa sarili ko
"Oo ikaw! Eh matutunaw na yung tao sa titig mo e"
"Ang gwapo kasi..."
"Ano?! Sinong gwapo? Akala ko ba naka-move on ka na?"
Teka, ngayon ko lang narealize yung lumabas sa bibig ko. What the fuck.
"Ha? Ano kasi- yung ano, yung nasa t-shirt n'ya ang gwapo! Ayun oh, si Kurt Cobain"
"Ah... okay..." sabay ngisi ni Jeng
Tangina mali 'to, nadulas na naman ako. Iba na naman magiging meaning sa kanya nito.
YOU ARE READING
Alegria
FanfictionEraserheads Fanfic. A story inspired by the band's song, 'Ligaya.' Book Cover by: tapsilogues Date Started: November 14, 2020 Date Finished: August 13, 2021
