"Jeng? Gising na naman ngayon si Rayms 'di ba?" tanong ko kay Jeng na kumakain ng tanghalian
"Oo, bakit?"
"Hihiramin ko sana yung kotse niya"
"Ah sige. Message ko na ngayon, tapos punta ka na lang doon"
"Sige. Salamat" sagot ko
Agad akong nagpunta sa kwarto para kunin ang bag ko.
Paglabas ko, nagpaalam na ako kay Jeng para naman umalis papuntang ospital
Kumatok ako sa pintuan ng dorm nila Rayms. Nung una ay walang nagbubukas
Pero makalipas ang ilang saglit, bumungad sa akin ang pupungas pungas na lalaki
"Oh shit! Good morning, Rayms! Sorry sa abala pero pwede ko bang mahiram yung kotse mo? For family emergency lang" pagpapaalam ko
"Sure! Nagmessage na naman sa akin si Jeng kaya okay—"
Napatigil sa pagsasalita si Rayms nang may biglang umepal sa likuran ko
"Tara! Ako na magdadrive!" sabat ni Ely
Napalingon ako nang marinig ang boses niya. Nakabihis na siya at ready na umalis.
Aba? Anong pakulo 'to, Eleandre?
Agad na hinagis ni Rayms ang susi kay Ely, at nasalo niya naman ito.
Wala na 'kong nagawa kundi pumayag dahil nagmamadali na rin ako
"Highly appreciated, Rayms! Thank you! Bawi ako next time!" sigaw ko bago makalayo
"Ingat kayo! Hoy Ely!"
"Oo pare, ako na bahala sa kotse mo!"
Tumakbo kami agad papuntang parking. Naunang sumakay si Ely, at sumunod naman ako sa may shotgun seat.
"Saang ospital daw?" tanong ni Ely
"UST Hospital, sa España"
Agad kong pinakita sa kanya ang location. Mabuti naman at alam niya kaya sinimulan na niyang magmaneho papunta doon
Habang nasa kotse, nagtanong si Ely
"Kinakabahan ka ba?"
Mukhang nahalata na niya dahil hindi ako mapakali kakakalikot sa kamay ko
Tumatawag na rin sa akin sila Papa at tinatanong kung asan na ako
"Basta. 'Wag mong madaliin yung pagmamaneho. Maaantay pa 'ko ng Lolo ko, 'wag kang mag-alala"
Kalmado naman siyang nagmaneho. Hanggang sa makaraan ang isang oras at kalahati ay nakarating din kami agad.
Naghanap siya ng mapa-parkingan. Sakto naman at wala masyadong kotse kaya madali siyang nakahanap ng pwesto
Bago ako bumaba, tinanong ko siya
"Sasama ka ba or dito ka na lang?"
"Dito na lang ako. Maglalakad-lakad lang siguro ako diyan" sagot niya
"Sige."
Pababa na sana ako ng kotse nang bigla niyang hawakan ang palapulsuhan ko
Inabot niya ang ulo ko, kaya napalingon naman ako....
Nagulat ako nang bigla siyang nag-iwan ng halik sa noo ko.
"Tawagan mo lang ako 'pag kailangan mo ng tulong. Pasabi sa lolo mo, pagaling siya." saad ni Ely
YOU ARE READING
Alegria
FanfictionEraserheads Fanfic. A story inspired by the band's song, 'Ligaya.' Book Cover by: tapsilogues Date Started: November 14, 2020 Date Finished: August 13, 2021