"Andito na 'ko sa airport kanina pa! Ano? Wala ba kayong balak na sunduin ako?"
Almost 30 minutes na after nung nakalapag ako dito sa Pilipinas. At wala pa rin ni-isa sa mga kaibigan ko ang sumusundo sa akin.
Gutom na gutom na 'ko, jusko po.
"Eh kasi ano—"
"Ano Grace?! Ano?! Im so fucking hungry!"
Nakikipagsigawan ako kay Grace sa kabilang linya, nang biglang may humawak sa maletang dala ko
"Tara na. Let's eat. Hindi yung nagsisisigaw ka diyan."
Nasa tenga ko pa rin ang telepono nang mapatingin ako sa lalaking kumuha ng maleta ko.
"Hello Ria? Kasi si Andrei talaga pinapunta namin ni Mira diyan. Inaasikaso pa namin yung ibang kailangan sa—"
"Okay na, he's here." sagot ko na may halong inis, "Tangina niyo talaga eh 'no? May pa-suspense pa kayong nalalaman"
"Pero aminin mo! Napatitig ka sa kaniya!"
Nice one friends. I'm excited to punch y'all.
Tapos na ilagay ni Andrei sa compartment ng kotse niya yung maleta ko at yung box ng mga pasalubong ko kila Mama. Kaya habang nang-aasar si Grace sa kabilang linya, si Andrei naman ay inaaya na 'ko.
"Ano? Let's go?"
"Sige na Grace. Kakain pa kami ng lunch. Yari talaga kayo sa'kin ni Mira 'pag nagkita-kita tayo sa hotel." pananakot ko sa kanila
Binaba ko ang tawag, at sumakay sa kotse ni Andrei. Pinagbuksan niya pa ako ng pinto.
"Sorry, nalate ako sa pagsundo sa'yo. Galing pa kasi ako sa office." unang bungad niya sa akin, saka inistart yung kotse para magmaneho
"Oh, don't be sorry. It's fine! Akala ko kasi talaga sila Mira yung susundo sa akin." sagot ko
"Actually kanina lang nila ako cinontact and they said na ngayon daw ang arrival mo. I was actually surprised nung sinabi pa nila na ako na raw ang sumundo sa'yo. Sorry, im not prepared"
Natawa ako sa sinabi niya at napatakip sa bibig ko. "Don't worry, okay lang talaga. Siraulo talaga yun sila Mira. Inistorbo ka pa sa work mo."
"Okay na rin 'to, at least im the first one who see you in person exactly pag-uwi mo rito sa Pilipinas. 'Di ba?"
Hindi ko alam ang isasagot ko kaya ngumiti na lang ako.
But then, the awkward silence began to start. Kaya bigla siyang nagtanong sa akin out of nowhere
"How's New York nga pala? Okay ka ba doon?"
"Okay naman. Lots and lots of work within that 1 year haha!"
Tumingin siya sa akin saglit, at binalik niya ulit 'yon sa dinadaanan namin. "Nakakapagod?"
"Malamang! Wala namang trabaho na hindi nakakapagod. But, that work of mine was much easier than before. Naalala ko, tinatambakan talaga ako ng articles nung nandito ako sa Pilipinas"
"Ah so kaya pala kayo naghiwalay ni......"
I laughed in a sarcastic tone, "Chinika na naman sa'yo nila Mira ano?"
"Matagal na. Siguro birthday yata ni Mira nun, and nakaka-ilang months ka pala lang from departing here in the Philippines"
"Iba talaga ang chismis. Pang worldwide domination." sabi ko, na nagpatawa naman sa kaniya
YOU ARE READING
Alegria
FanfictionEraserheads Fanfic. A story inspired by the band's song, 'Ligaya.' Book Cover by: tapsilogues Date Started: November 14, 2020 Date Finished: August 13, 2021