4

166 7 0
                                    

"Ria! Anong oras na!" sigaw ni Jeng sa labas na halatang madaling-madali na

Nandito ako ngayon sa kwarto ko at mabilis na nagsusuot ng chucks ko. Nagtagalan lang ako dahil nilinisan ko pa 'to... inapakan kasi ng kung sino.

Paglabas ko ng kwarto, nakita kong nakaabang sa may pintuan at isasara na ito

"Hoy! Wait lang!" sigaw ko habang tumatakbo papalabas

"Gaga, kabado ka agad e ikaw naman ang nandyan sa loob. Ikaw lang din ang may susi nito!"

Habang naglalakad kami palabas ng dorm, napansin kong... nakaporma si Jeng ngayon

"Aba! Saan ang punta natin ngayon?" biro ko habang nakatingin sa kanya mula ulo, hanggang paa.

"Enebe, eke leng 'te" pag-iinarte n'ya, "Bakit bawal ba mag-maong skirt? Ngayon lang ako nag ganito, ano ba!"

Natawa ako, at naalalang pwede pala ang mga ganung damit sa campus. Sa apat na taon ko kasi dito, ni minsan 'di ko pa na-try na magsuot ng ganun dahil lagi akong nakapantalon.

Agad namang pumasok sa isip ko, siguro may pinopormahan 'tong babaeng 'to?

Nang nakatawag na kami ng tricycle, sumakay na kami sa loob. Habang humaharurot ito, nagulat ako nang biglang maglabas ng pulbo at lipstick si Jeng

Napatingin ako sa kanya habang nananalamin sa loob ng tricycle

Ngumisi ako at hinayaan na lang s'ya. Bigla na namang pumasok sa isip ko na baka siguro may pinopormahan nga s'ya.

At naalala ko, may crush nga pala 'to sa isa sa mga classmates namin. Si Raymund?





Pagbaba namin ng tricycle, ako na ang nag-insist na magbayad. Um-okay naman si Jeng.

Agad akong tumakbo papuntang Plaridel Hall, pero pinigilan n'ya ako

"Huy sandali lang, Ria! Baka magulo yung buhok ko!" reklamo n'ya

"Aba! Kanina nung nandun pa tayo sa dorm madaling-madali ka, tapos ngayon nagkakaganyan ka? Tara na!" sabay hila ko sa kanya

Sakto namang pagdating namin sa room, halos kasabay lang namin yung prof. Kaya sa likod na pintuan na lang kami pumasok.

Naghanap kami ng upuan, at mabuti na lang, walang seating arrangement sa subject na 'to. Kaya magkatabi kami ni Jeng.

After nun, nagdiscuss na yung prof namin sa History. At nagtanong s'ya ng ilang mga bagay about dito

Medyo nakakaramdam na agad ako ng antok makalipas ng ilang minuto. Eh natulog naman ako nang maaga?

Siguro ganito lang talaga ka-boring 'tong subject na 'to 'no?

Nung umalis na yung pangatlong professor namin, mukhang natagalan naman sa pang-apat

Expected ko na rin na kapag wala pang prof na nasa harapan, ay mag-iingay ang mga kaklase ko

At tama nga ako.

Habang nagpo-phone ako, napatingin ako sa paligid. Napansin kong may pumasok sa pintuan na 'pangit'

Take note, 3 subjects s'ya wala. At aba, parang pumasok lang s'ya sa bahay n'ya ah. Hay nako, Buendia.

Umupo s'ya sa tabi nila Raymund, at nakipag-apir pa. Kaya rin pala may bakanteng upuan sa tabi n'ya kanina na hindi n'ya pina-uupuan kahit kanino. Prinsipe lang ang peg?





"Ano? Saan tayo ngayon?" tanong ko kay Jeng

"Edi d'yan sa puso mo" asar naman nito. Ha-ha-ha nakakatawa.

AlegriaWhere stories live. Discover now