21

133 9 7
                                    

"Sa wakas! Tapos na ang hell week!" sigaw ko kay Jeng habang nagluluto ng hapunan namin

Friday na bukas, at bukas na rin agad malalaman ang results ng prelims namin.

"Bukas na rin yung results 'di ba? Saan ipapaskil?" tanong ni Jeng

"Gaga, malamang sa bulletin board!" sagot ko sa kanya

Sakto namang patapos na rin ang niluluto n'yang ulam kaya naghain na ako sa mesa namin sa sala.

Pagkalapag ng ulam, nilantakan namin yun agad nang dahil sa gutom. Ayun nga lang, napaso si Jeng.

"'Di halatang gutom na gutom ka." sabi ko

"Kasi naman, ngayon na lang ulit ako nakapagluto ng ulam natin."

Pagkatapos kumain, nagpunta na kami sa kwarto namin at nagpahinga.

Pero hindi rin ako makatulog agad dahil maaga pa, kaya nagmessage na lang muna ako sa GC namin nila Grace


riacsj: Kumusta prelims n'yo?

mcecilia: Next week pa kami, late huhu

grasyaaa: Ayun, tapos na. Pwede na ulit makipag-date hahahahahaha

roshineb: Hirap

itsblythe: Kinakabahan ako sa results bukas


Halos lahat pala kami nakaraos din sa hell week. Si Mira na lang ang hindi.

Kaso balak ko pa naman makipagkita sa kanila sa Sabado, paano yun?

Birthday ko na kasi sa Linggo at uuwi ako kila Mama sa Sabado kaya balak ko na rin silang kitain sa araw na 'yon

Sakto naman ding napag-usapan nila sa GC kaya natuwa ako.


grasyaaa: Birthday mo na pala sa sunday, Ria! Ano balak natin d'yan?

mcecilia: Oo nga pala! Paano 'yan magrereview ako?

riacsj: Hindi ko rin alam, baka nga hindi ako makauwi sa amin eh


Nagpalusot na lang muna ako. Dahil sa totoo lang, hindi ko pa rin alam kung anong balak ko sa birthday ko.

Magtu-21 na ako sa Linggo, pero parang wala pa ring patutunguhan 'tong buhay ko.

Pagtapos namin mag-usap, sa wakas ay nakaramdam na ako ng antok. Kaya naisipan ko nang matulog agad dahil excited na rin akong malaman ang resulta ng prelims bukas.





"Anong oras daw ba lalabas yung results?" excited na tanong ko kay Jeng

"Lunch time nga raw!" tumingin s'ya sa relo n'ya, "Oh sakto, pagkatapos nito!"

Sa sobrang excited ko, hindi na ako mapakali sa upuan ko. To the point na gusto ko nang tumayo.

Naiirita na rin sa akin si Jeng dahil galaw nang galaw ang upuan ko. "Ano ba 'yan Ria, natatae ka na ba?"

"Hahahaha tangina kasi kinakabahan na ako sa results!" sagot ko

Sakto namang nag-ring ang bell, kaya napatayo na rin ako agad. Mabilis na naglabasan ang mga kaklase namin, paunahan na lang dahil malamang, madami nang tao sa bulletin board.

Hinila ko si Jeng, at tumakbo na papunta sa board. Pero sa bawat pagsingit ko sa mga estudyanteng nandoon, hindi ko namalayang nabitawan ko na pala ang kamay n'ya.

Habang sumisingit ako, nagulat ako nang may humila sa akin papunta sa gilid  para i-iwas sa dami ng tao.

Tiningnan ko mula kamay papunta sa mukha. Nagulat ako nang makita ang mukha ni Buendia.

AlegriaWhere stories live. Discover now