"Irerelease na next month yung debut album namin!" excited na balita sa akin ni Ely
Kakatapos lang ng birthday ni Ely nung isang araw at ngayon lang kami nagkaroon ng time na mag-date at i-celebrate iyon
At malamang, siya yung manlilibre.
"Hmm?" sabay higop ko sa ramen, "T-talaga bah?"
"Nguyain mo nga muna 'yang kinakain mo"
Tawang-tawa na naman siya sa mukha ko dahil humigop lang daw ng sabaw eh lumobo na
"Talaga bang next month na?" tanong ko ulit
"Oo! At...."
Napatingin ako sa kamay niya nang makitang may kinakapa siya sa bag niya
Naglapag siya sa harapan ko ng dalawang cassette tape. Yung isa, walang inlay at may sulat lang ng pangalan ko. Yung isa naman, may inlay at....
"Kayo 'tong nasa inlay?! Bakit 'di ko 'to alam?"
"Sinadya ko talagang hindi sabihin sa'yo para masurprise ka" sagot niya
Humigop ulit ako sa ramen sabay subo pa ng gyoza. Ang sarap talaga.
"Gwapo niyo rito ah. And also, nice shoes." puri ko sa itsura nila
"Biglaan lang talaga 'yang shoot na 'yan. Kita mo, may hawak pa kong yosi hahahahahaha"
Yung nilapag ni Ely na tapes sa harapan ko, tinulak ko nang bahagya at pinabalik na sa kaniya. "Balik mo na 'yan sa bag mo. Baka madumihan"
"Sa'yo na 'yan. Bigay ko. Special copy for a special person."
Nagulat ako, and at the same time, natawa. Seryoso ba 'to?
"Joke ba 'yan? Nakakatawa ah"
"Mukha ba kong nagbibiro? Sa'yo nga 'yan. Yung isa, copy nung demo namin. Tapos yung isa, fresh from the studio. 'Yan na yung mismong ibebenta"
"Baka bilang na yung kopya tapos—" pag-aalala ko
"Ano ka ba! Mahigit pa sa isang daang libo yung kopya na ilalabas namin, pati CDs. Hindi cheap yung nakakuha saming record label no!" pagmamayabang niya
Balak ko talaga bumili mismo ng copy nung cassette sa record store pero mukhang hindi na mangyayari yun dahil dito sa kaharap ko
"Saka, mas pinili ko na ganyang kopya yung ibigay sa'yo para mas maalala mo 'ko"
Kala niya talaga makakalimutan ko siya e
Tinago ko na sa bag ko yung dalawang tapes at pagkatapos nun, nagpatuloy na kami ulit sa pag-kain namin at paghigop sa mainit na ramen
Sa sobrang sarap, napa-takeout pa ulit ako ng isang serving.
Nakauwi na ako galing sa date namin slash birthday celebration ni Ely na kaming dalawa lang. Pagdating ko, ininit ko kaagad sa microwave yung tinake out ko para kainin habang nagtatrabaho ako sa kwarto
Sumandal muna ako sa tabi ng ref at nagphone.
Pinost ko yung picture namin kanina ni Ely at binati ulit siya. Wala pang ilang minuto, nag-ingay na agad yung mga chismosa kong kaibigan sa gc
roshineb: Ngayon lang ako magrereklamo sa'yo Ria ha. Bakit nung birthday ko hindi ka pumunta kahit late na? Pero 'pag si Ely, kahit na ilang araw nang tapos yung birthday, nagawa niyo pang kumain sa labas?
YOU ARE READING
Alegria
Fiksi PenggemarEraserheads Fanfic. A story inspired by the band's song, 'Ligaya.' Book Cover by: tapsilogues Date Started: November 14, 2020 Date Finished: August 13, 2021