44

90 9 6
                                    

"Okay, so after ng midterms ay next sem niyo na. Sa next sem niyo ay magkakaroon kayo ng elective subject which is acting" saad ng prof namin

"Oh narinig mo? Magagamit mo na yung acting skills mo rito kagabi" asar ni Jeng

Siraulo talaga 'to. Seryosong usapan yung kagabi e.

Tumabi na naman sa akin si Jeng. Wala na kong nagawa para pigilan siya dahil nakukulitan na rin ako. Pero doon sa apat, lalo na kay Ely, nakadistansya pa rin ako.

"Pero don't worry class, next year pa naman ito so don't be rushed. Enjoy-in niyo muna ang christmas break niyo, then be ready for our next year's subject."

Napasapo na lang ako sa ulo ko nang marinig ang pinagsasabi ng prof ko

"Okay, that's all. Thank you for today." sabay alis ng prof namin

Yumuko ako sa armchair ko, at inangat ulit ang ulo nang maramdamang umurong ito

"Ano? Ready ka na ba next year?" tanong ni Jeng sa akin habang hawak ang upuan ko

"Tigilan mo nga muna ako Jeng" sabay ngisi ko

Habang kaharap ko si Jeng, napahawi ang mata ko kay Ely nang makitang nakatingin siya sa amin. Nagkatitigan kami ng ilang segundo pero agad din siyang umiwas ng tingin.

"Oh bakit?" sabay sunod ng tingin ni Jeng sa mga mata ko

Umayos ako ng upo at humarap na lang ulit sa board

"Si Ely ba?" tanong niya

"Hayaan mo siya." sagot ko naman

Nilaro ko na lang ang mga kamay ko. At pagkatapos ng ilang minuto...

"Sa tingin mo ba, galit siya sa akin?" tanong ko kay Jeng

"Sino?"

"Si Ely."

Biglang natawa ng malakas si Jeng, kaya napatakip siya kaagad sa bibig niya

"Bakit hindi mo siya tanungin?"

Ako naman ang natawa ng malakas sa sinabi ni Jeng, "Hahahahahaha! Okay tama na ang joke. Mag-aaral na lang ulit ako."

Kinuha ko ang libro ko at nagbasa na lang ulit na para bang walang pakialam sa mundo

Natigil nga lang iyon nang pumasok na ang next prof namin.





Sakto at lunch na ngayon. Half day lang kami nang dahil sa faculty meeting. At kasama ko ngayon sa labas ng room si Jeng

"Mamaya ka na pumunta kay Andres. Kain na muna tayo. Tagal din nating 'di nagsabay oh"

"Okay fine. Saan mo ba gusto?" tanong ko

"To the one and only CASAA" sabay hila niya sa akin

Habang naglalakad kami papuntang CASAA, napatanong ako sa kaniya bigla

"Hindi ba nagseselos yung syota mo ngayon?"

"Si Rayms? Bakit naman magseselos yun, gaga ka? Hayaan mo na lang muna sila!"

"And by the way, alam ko na kung bakit nakita mong mag-isa sa Sunken yung isa kahapon" dagdag pa niya

"Bakit daw?"

"Nagsusulat pala ng kanta."

Napataas ang dalawa kong kilay, "Oh... okay. Kaya pala dramatic place ang napiling tambayan."

"Paanong hindi magiging dramatic place yung pipiliin? Eh kasalanan mo"

Sakto at nakarating kami agad sa CASAA pagkasabi nya nun

AlegriaWhere stories live. Discover now