"Tara na! Ako bahala sa'yo" sabay akbay sa akin ni Ely
Pinipilit nila akong tingnan yung results ng final exams, pero umaayaw ako.
"Mababa lang yung results ko diyan. Tara na, gawa na lang tayo thesis!" pagmamakaawa ko sa kanila
Pero wala rin akong nagawa. Dinala pa rin nila ako sa bulletin board.
Unang tumingin si Jeng, at nagpahuli ako
Balak ko pa silang takbuhan kaso, kapit na kapit sa akin ang mabibigat na braso ni Ely. Literal na mabigat siya pare.
Sumunod naman si Rayms at si Ely. Si Ely, tipikal na tiningnan lang ang results nung kaniya
"Pasado ka?" tanong ko
"Syempre naman!"
Nginitian ko siya. Pero kinakabahan pa rin ako, at nagdadalawang isip kung titingnan ko ba yung akin
Hinila na 'ko ni Ely sa harap mismo ng board. Nakapikit lang ako habang naka-akbay siya
"Oh tingnan mo na" saad niya
"Ayoko nga e!" sagot ko habang pilit na nakapikit
Bumulong naman siya bigla, "Didilat mo mata mo o hahalikan kita rito?"
Yuck. Saan ba nakakahugot ng lakas ng loob 'tong Buendia na 'to?
"Suntok gusto mo?" sabay angat ko ng kamao ko, "Eto na! Didilat na!"
Dumilat ako at saktong-sakto sa mukha ko yung papel ng results. Hinanap ko ang pangalan ko at nakitang pangatlo ito sa pinakamataas
"P-pangatlo ako?" sabay harap ko kay Ely
Ngumiti naman siya, "Congrats!"
Lumapit sila Jeng nung marinig yung greeting sa akin ni Ely, "Anyare?"
Nung makita na nila, nagkatitigan na lang kami pare-pareho
"Ano? Gawa na ba tayo ng thesis? Hahahahaha nabaliw ka 'no?" tanong ni Ely
Pinalo ko siya sa braso, "Tanga! Sino bang hindi mababaliw diyan? Biruin mo, pangatlo ako!"
Bago kami gumawa ng thesis sa dorm, dumaan muna kami sa Rodic's. As usual, Tapsilog ulit.
"Kumain kami rito ni Ria nung nakaraan e" pagyayabang ni Ely
"Etong dalawang 'to, 'di nag-aaya!" sigaw ni Jeng
Sumagot naman ako habang naglalagay ng suka sa maliit na platito, "Date raw kami sabi niyan oh" sabay nguso ko kay Ely
"Nag-date rin naman tayo nung nakaraan ah!" saad naman ni Rayms sa girlfriend niya
Inirapan siya ni Jeng, "Leche, lagi na lang sa mall. Wala na bang iba?"
"Oh ngayon, kayong dalawa naman nag-aaway hahahahaha" sabay tawa ko sa kanila
Pinagpatuloy lang namin ang pag-kain hanggang sa mag usap-usap na sila tungkol sa thesis.
Ako, tinawagan ko saglit si Mama para ipaalam na mataas ang naging results ng final exams ko
"Ma!"
"Oh? Bakit naninigaw ka ha?!"
"Hehe sorry Ma, nadala lang ng excitement. By the way, pangatlo ako sa pinakamataas sa final exams namin!"
YOU ARE READING
Alegria
FanfictionEraserheads Fanfic. A story inspired by the band's song, 'Ligaya.' Book Cover by: tapsilogues Date Started: November 14, 2020 Date Finished: August 13, 2021