"Selosang Ria, dalian mo d'yan! May maliligo pa oh!"
Sigaw ni Jeng sa labas ng CR, habang ako nandito sa loob, naliligo.
"Oo, eto na! Matatapos na!" sigaw ko
Paglabas ko, nakapamewang na s'ya sa harap ng pinto
"Ang tagal mo! Nag-aantay na raw si Rayms sa labas"
"Aba? Kasalanan ko pa talaga? Sabihan mo 'yang syota mo, mag-antay s'ya!" sigaw ko ulit bago pumasok ng kwarto
"Leche! Tagal-tagal mo maligo. Umiiyak ka lang yata dito sa CR e!"
Tarantado. Anong i-iiyak ko sa CR? Yung hindi paglabas ng tae ko?
Nagbihis ako sa kwarto at nagsuot lang ulit ng usual kong suot tuwing pumapasok. Oversized shirt, jeans, at chucks.
Sa sala ko na inayos ang mga gamit ko habang inaantay si Jeng na matapos maligo, saka nagphone at nagscroll sa social media
Kay aga-aga, ang ingay na naman ng GC namin nila Grace.
grasyaaa: Oh chismis naman d'yan. Balita ko yung isa d'yan nagdadrama sa twitter ah
mcecilia: Sino na naman 'yan Grace?
itsblythe: Sino ba d'yan yung tahimik simula kahapon?
roshineb: May nararamdaman akong kakaiba
Alam ko na kung sino ang tinutukoy nila kaya agad akong nagreply.
riacsj: Oo na, ako na ulit. Lagi namang ako.
grasyaaa: Sa wakas, nagsalita rin ang dapat magsalita
mcecilia: Please enlighten me, ano ba talaga meron?
Nagtweet kasi ako kahapon tungkol sa hindi ko maintindihang nararamdaman ko, kaya ayan, nag-iingay na naman sila.
riacsj: Wala yun. There's something bothering me lang these past few days.
roshineb: Share mo naman
itsblythe: Tungkol 'yan kay Ely 'no?
Bakit ba ang bilis makasagap ni Blythe ng chismis? Pero i think, it's just a thought of her.
itsblythe: Balita ko kasi, nililigawan na ni Ely si Victoria. Ang ingay sa GC namin kahapon eh
Nang mabasa ko ang sinabi ni Blythe, narinig ko na naman ang boses ni Buendia.
riacsj: Ugh, i don't know. Ayoko muna pag-usapan 'yang mga ganyang bagay.
grasyaaa: Okay, alam na this.
Pakiramdam kong nararamdaman na rin nila na merong bumabagabag sa akin. Malakas pakiramdam nitong mga 'to eh.
Hindi na lang muna ako nagreply sa mga message nila. Lunes pa naman ngayon, ayokong masira araw ko.
Paglabas ni Jeng sa CR, sinabihan n'ya akong papasukin muna si Rayms na baka kanina pa nag-aantay.
Hindi s'ya nagkamali. At nandun nga sa may hagdan, nag-aantay.
"Upo ka muna d'yan" saad ko kay Rayms
"Thanks! Oh, kumusta ka na pala? Balita ko balisa ka raw kahapon sabi ni Jeng? Hahahaha!"
Ang bilis talaga kumalat ng chismis.
Hindi ko na rin alam. Hindi ko masagot yung mga tanong nila. Ultimong tanong ko sa sarili ko, hindi ko rin masagot.
YOU ARE READING
Alegria
FanfictionEraserheads Fanfic. A story inspired by the band's song, 'Ligaya.' Book Cover by: tapsilogues Date Started: November 14, 2020 Date Finished: August 13, 2021