"Hindi ka ba ulit sasabay sa akin?" tanong ni Jeng bago lumabas ng dorm
"Mauna ka na. 'Wag mo na 'ko antayin, bye!" saad ko
Weeks have passed, at pinanindigan ko nga talaga ang sinabi ko. Sana lang talaga hindi ako dalawin ni Lolo.
Simula nang bumalik ako rito sa Kalayaan, naging tahimik lang ako. Pinapansin ko pa rin naman si Jeng pero madalang na nga lang
Ayoko rin naman kasing mainggit yung tatlong lalaki, lalo na yung taong dapat ko munang layuan
Kaya nagpaka-introvert kuno muna ako.
After ko magtali ng sintas, kinuha ko na ang bag ko at lumabas na rin ng dorm.
"Midterms na next week. So please, review your lessons well dahil doon nakasalalay ang magiging grades niyo for this semester"
Nice, midterms. Siguro naman maka-career ko 'to ulit dahil ako lang ulit mag-isa ang magrereview
After mag-announce ng prof namin ay umalis din siya agad.
Sa lahat ng prof na dumating, nakinig lang ako nang nakinig
Masaya pala. Masaya rin pala maging introvert 'no?
Pero after ng lahat ng AM classes ko, syempre may lunch. At ngayon, hindi ko na siya kinakalimutan. Part 'to ng pag-life break ko 'no!
Napili kong kay Aling Nena na ulit mag-lunch. Dahil alam kong 'pag sa CASAA ako kumain, makikita na naman ako nila Marcus na walang ginawa kundi kulitin ako
Actually, ilang linggo na nila akong kinukulit doon. Pero dahil mataas ang pride ko, hindi ko sila pinapansin
Ayokong may naiinggit na isa doon.
Tanging skyflakes at coke lang ang kinakain ko ngayon dito sa favorite spot ko, kasabay ang pagbabasa ng libro. Libro 'to na nakuha ko sa kwarto ni Lolo
Ramdam na ramdam ko ulit yung pagiging freshmen sa ginagawa ko, pota
Busy ako sa pagiging introvert ko rito, nang biglang may tumabi sa akin na dumampot ng skyflakes na nasa kamay ko
"Hoy!" pag-gulat ni Andres sa akin
"Oh, anong ginagawa mo rito ha?" tanong ko
"Ikaw? Bakit mag-isa ka na lang ngayon?"
"Wala, trip ko lang. Ano ba pake mo ha, Juan Andres?!"
"Ahh alam ko na..." sabay tingin niya sa akin, "Break na kayo ni Buendia 'no?"
Wow. Talagang wow. Ilang buwan ba kaming hindi nag-usap neto at bakit ibang chismis yata ang nasagap niya?
"Hello?! Okay ka lang ba Andres? Kailan pa naging kami ni Ely? Tigilan mo nga 'yang pinagsasabi mo"
Nagulat naman ako nang magpakawala ng malakas ng tawa si Andres. Dahilan para tumingin sa amin ang mga kalapit na mesa namin
"Hahahahahahahaha! Tangina? Hindi pala kayo nun? Lumayo pa ko sa'yo—"
"Ha? Anong sabi mo?"
"Ah— ha? Ano? May sinabi ba ko?"
Labo talaga kausap neto ni Andres kahit kailan.
"Ang totoo kasi, lumayo ako sa kanila. Lalo na kay Ely. Kasi ano... gusto ko muna magfocus sa sarili ko" saad ko
"Dami mo namang alam Alegria Clarette. Nagpapaka-introvert ka pa, eh nandito naman ako"
YOU ARE READING
Alegria
FanfictionEraserheads Fanfic. A story inspired by the band's song, 'Ligaya.' Book Cover by: tapsilogues Date Started: November 14, 2020 Date Finished: August 13, 2021