"Hmmm... anong... oras... na ba..." saad ko habang nag-iistretching sa kama ko
Inabot ko ang phone ko na nasa side table ko, sabay tinignan ang oras
Agad akong napa-upo sa kama nang makitang.... mag-7am na!
"Tangina! Male-late na pala 'ko!" sigaw ko, sabay tayo at kuha ng twalya ko
Paglabas ko ng kwarto, agad akong sumigaw, "Jeng! Jeng antayin mo 'ko!"
Sa sigaw kong iyon, walang sumagot. Agad na akong nagtaka ngunit mas inuna ko pa ring dumeretso agad sa cr para maligo
Talagang binilisan ko sa cr. Halos 10 minutes lang ako nagtagal at parang nakailang buhos lang din ng tubig
Pumasok na agad ako sa kwarto pagkatapos ko maligo at bumunot na lang sa cabinet ng kung anong pwedeng masuot
Paglabas ko ng kwarto, hindi na 'ko nag-almusal at diretso nang nagsuot ng sapatos, sabay labas ng dorm.
Paglabas ko ng Kalayaan, agad akong naghanap ng jeep, "Tangina bakit ba kasi hindi ako nagising ng maaga?" bulong ko sa sarili ko
Mabuti na lang at may dumaan na jeep na maluwag ang loob kaya sumakay na ko agad.
Pagbukas ko ng phone, nakita kong nagmessage si Jeng at sinabing nasa first subject na siya at nag-iistart na raw iyon
Kabado to da max si ate mo Ria. Kaya nung tumigil ang jeep sa harap ng campus, tumakbo na agad ako papunta sa building
Pag-akyat ko sa steps, nagulat ako nang may kasabay rin akong tumakbo
Paglingon ko, nakita ko si Ely na nagmamadali na rin...
At halatang wala pang suklay. Hahahaha!
Pagdating namin sa labas ng room nitong first subject namin...
"Tangina, late ka rin?" tanong niya
"Gago! Kasalanan mo eh. Dinala-dala mo pa 'ko sa Antipolo" pagsisi ko sa kaniya
Echos ko lang 'yan. Wala siyang kasalanan. Actually, siya pa yung nakatulong sa'kin para mawala yung init ng ulo ko dahil sa nangyari kahapon.
"Sinisisi mo pa 'ko. Kinilig ka naman" asar niya
"Paano kung sabihin kong—"
"Mr. Buendia and Ms. San Juan? Why the both of you are still here outside? Come inside!"
Tangina. Eto na nga ba sinasabi ko e
Pero buti na lang din, naputol yung sasabihin ko.
Sabay kaming pumasok ni Ely sa room
As usual, pinagtitinginan na kami ng mga classmates namin
At lalo na nila Jeng... na tumatawa pa.
Pag-upo namin sa likod, magkatabi pa kami dahil wala ng bakanteng upuan
Pinatayo kami ng prof namin sa History. At malamang, sabay na pinagalitan
"It's 7:15 in the morning, tapos kayong dalawa nasa labas pa? Did you even know na may 7 am class kayo?"
"Yes ma'am" sabay naming sagot
"Then why the two of you are outside and talking about something? You're both 15 minutes late!"
Pareho kaming natahimik. Pero hindi na 'ko nagdalawang-isip na maunang sumagot dahil baka malintikan kami pareho rito
"Actually ma'am, we're planning to knock, go inside, and take an excuse. But you're discussing something to the class. And we don't want to bother you of what we've done. Sorry po talaga."
YOU ARE READING
Alegria
FanfictionEraserheads Fanfic. A story inspired by the band's song, 'Ligaya.' Book Cover by: tapsilogues Date Started: November 14, 2020 Date Finished: August 13, 2021