14

129 7 3
                                    

"Good luck!" sigaw sa akin ni Jeng bago humiwalay ng upuan

Next subject namin ay Literature, at alam n'yo na kung anong susunod na mangyayari.

Pagkalipat ko sa upuan ko, halos kasabay ko lang din umupo si Buendia

Tinigilan na n'ya ang pangungulit sa akin nung sinabi ko kanina na masakit ang tiyan ko

Which is, hindi naman talaga totoo. Hahahaha!

Naka-talumbaba lang ako, at nakikinig sa lesson ng prof namin. Napansin kong naglabas si Buendia ng candy galing sa bulsa n'ya, nagulat naman ako nang bigla n'yang inusog ang upuan n'ya sa tabi ko nang...

Mas malapit...

Mas malapit...

Umusog ako nang umusog ngunit tumigil din nang papalapit na ako sa pader. At doon, tumigil na rin s'ya sa pag-urong ng upuan n'ya.

Bigla n'yang inangat ang kamay n'ya, at inalok ako ng candy na hawak n'ya

"Gusto mo? Para 'di na sumakit tiyan mo" alok n'ya sa akin habang naka-tingin sa prof, para hindi mahalatang nag-iingay s'ya

"Ayoko, hindi na masakit tiyan ko." saad ko

"Oh hindi na pala masakit tiyan mo eh. Pwede mo na bang sagutin yung tanong ko kung bakit nagkakaganyan ka?"

Oh gosh. I think that's a wrong idea.

"Ah, hindi. Masakit pa rin pala." palusot ko ulit sabay hawak sa tiyan ko

"Mukha ba akong nakikipaglokohan?" tanong n'ya sa akin

"Mukha rin ba akong nakikipaglokohan?" bulong ko pero 'di nakalingon sa kanya

"Ha? May sinasabi ka ba?" tanong ulit n'ya dahil mukhang hindi n'ya narinig

Buti na lang din 'di n'ya narinig. Baka masuntok na n'ya ako eh.

"Wala." sagot ko at tumalumbaba ulit

Pagkatapos ng discussion ng prof namin, nagpalecture lang ulit s'ya.

Nung paalis na, tumayo na ang iba naming kaklase para lumipat ulit ng upuan

Saktong patayo na ako, biglang naglapag si Buendia ng dalawang candy sa mesa ko. Paglapag n'ya, umalis din s'ya agad at lumipat na rin ng upuan.

Bago ako naman ako lumipat, kinuha ko ang dalawang candy at inabot kay Yna

Si Yna, s'ya yung nagkakagusto kay Buendia.

Nagtaka naman s'ya at tinanong para saan daw 'yun

"Pinabibigay ni Buendia sa 'yo." sabay ngiti ko nang pilit at saka umalis





Paalis pa lang ang huling naming prof, nag-ayos na agad ako ng gamit ko dahil balak kong umuwi nang mag-isa.

Alam ko kasing sasabayan na naman kami ni Jeng nung dalawang lalaki.

Pero palagay ko, sakanya, okay lang dahil gusto naman n'yang kasama si Rayms

Saktong pag-ring ng bell, lumabas ako agad ng room nang hindi nagpapaalam kay Jeng at mabilis na naglakad

Kaso narinig ko ang sigaw n'ya, "Ria! Wait lang!"

Lumingon ako sa likod, pero binibilisan ko pa rin ang lakad. Dahil nakita kong tinutulak ni Jeng si Buendia para sundan ako.

Saktong paglabas ko ng building, akala ko makakasakay na ako sa jeep na tumigil sa harapan ko

Pero, may humawak sa braso ko at sinabi sa driver na, "Kuya, 'di na s'ya sasakay!"

AlegriaWhere stories live. Discover now