10

134 7 4
                                    

"Binangungot yata ako kagabi" saad ko kay Jeng

Yes, it's saturday morning. At eto kami ngayon ni Jeng, nag-aalmusal

"Ang sabihin mo, kinilig ka lang!" sabi n'ya habang sumisipsip sa kape

Naalala ko na naman yung kagabi. Tumaas kaya yung balahibo ko nung kinindatan n'ya ako.

Nung nakaraan lang, galit na galit s'ya sa akin. Tapos ngayon, aba! Ewan ko ba

"Magbiro ka na sa lasing, 'wag lang sa bagong gising, Jeng. Tandaan mo 'yan ha"





"Ano nga palang balak mo dun sa org? Sasali ka ba?" tanong n'ya sa akin habang naghuhugas kami ng pinagkainan namin

"Hindi ko pa alam. Wala akong concrete plan. Isa pa kung sasali ako dun, baka tumunganga lang ako" sagot ko sa kanya

"Eh 'di ba gusto mong matuto ulit mag-gitara? Why not tanggapin mo na yung alok ni Marcus?"

"Kaya ko na mag-aral mag-isa, Jeng. Hindi ko na kailangan ng magtuturo sa akin"

"Lol! Baka kaya lang ayaw mo eh dahil kay Elyboy?" patawa n'yang sinabi

"Hay nako, Jeng. Kaysa mapikon lang ulit ako sa mga asar mo, mag-jogging na lang tayo" aya ko

Saturday naman kaya pwedeng mag-jogging. Isa pa, gusto kong pumunta ng Sunken ngayon. Pa-hangin lang ganon.

At 'di naman halatang gustong-gusto ni Jeng dahil inunahan pa n'ya ako magbihis.

Nagpunta ako sa kwarto ko, at nagpalit na rin ng damit. I wear a sports attire. Sports bra, jacket, leggings, at running shoes.

Paglabas ko ay natawa pa ako nang makitang...

"Gagang 'to! Magj-jogging lang, nagawa mo pang mag-liptint" saad ko kay Jeng

"Aba! Para naman hindi ako magmukhang hihimatayin. Eh ikaw tingnan mo oh, 'di ka pa man din nakakapag-jogging, mukha ka ng pagod" asar n'ya





Inaya ko na s'yang lumabas, at sinimulan na namin magstretching

"Ano ba 'tong ginagawa natin, Ria? Mukha naman tayong tanga dito" reklamo n'ya

"Sumunod ka na lang. Ayaw mo nun? Mas lalo kang magugustuhan ni Rayms, kasi sexy ka."

Pagtapos namin sa stretching ay nag-jogging na kami. Nung nasa kalagitnaan na, dun ko lang naalalang hindi ko pala dala yung earpods ko. Tangina.

Sakto, nung hiningal kami, dumaan na kami kay Aling Nena at bumili na rin ng tubig

"Hi Aling Nena! Kumusta po kayo?" bati ko sa kanya

"Aba, at mukhang masaya ka ngayon ah. Anong meron bakit ganyan ang mga suot niyo?" tanong ni Aling Nena

"Ay nako Aling Nena, sinasabi ko sa 'yo. Kaya masaya 'yan kasi- " agad kong tinakpan ang bibig ni Jeng

"Hahahahaha Aling Nena, nag-eexercise lang po kami. Banat-banat buto ganern." putol ko sa gusto n'yang sabihin

Dagdag ko pa, "Hehehe.... Aling Nena, pabili na lang po kami ng tubig para mapatahimik ko na po 'tong bunganga ni Jeng"

Tinanggal ko na ang hawak ko sa bibig ni Jeng nung nagtanong na si Aling Nena kung ilang ang bibilhin namin. "Ilan anak?"

"Aling Nena, ilan po ba ang kausap n'yo ngayon?" tanong ni Jeng

Tarantadong 'to, pagtitripan pa si Aling Nena.

"Dalawa nak? Bakit?" pati si Aling Nena ay nagtaka, pero agad n'ya rin naman nagets yung joke. "Ay jusko Jeng, oo nagets ko na. Sige at kukuha lang muna ako ng tubig ninyo."

AlegriaWhere stories live. Discover now