24

119 8 0
                                    

"Hatid ko na kayo" aya ko sa kanila

11 na rin ng gabi nung natapos kami, at tinulungan pa nila akong magligpit ng mga kalat sa kwarto ko

"Mga anak, salamat sa pagpunta ha! Pasensya na at inabot kayo ng ganitong oras" saad ni Mama sa kanila

"Okay lang po yun, Tita." sagot naman nila

Nagpunta ulit kami sa kabilang bahay para hiramin ang susi ng kotse ni Ate Yani. Hindi naman ako masyadong nalasing kaya maihahatid ko pa sila.

Pagpasok ng kotse, ang mga gaga, natulog except kay Mira na parang may binabasa sa phone n'ya

"Nagrereview ka ba?" tanong ko sa kanya habang nagdadrive

"Ah oo, may mga binabasa lang ako."

Naging tahimik ulit pagkatapos nun, pero nung kalagitnaan na, tinanong n'ya ako tungkol kay Ely

"Kailan mo nga pala balak sagutin yun? Saka isa pa, s'ya na yung nagbigay ng sunflower sa 'yo oh"

"Hindi ko pa alam. Magulo pa utak ko. Isa pa, ngayon lang nangyari sa akin yung ganun." sagot ko

"Na pinersonal panliligaw sa 'yo?" tanong ulit ni Mira

"Oo."

"Oh come on, tingnan mo! Sincere talaga s'ya. Biruin mo pinersonal n'ya imbis na sa ibang paraan. Hindi mo pa rin ba sasagutin yun?"

"May tamang panahon, Mira. Siguro kapag naramdaman ko na yung dapat kong maramdaman. Yun na 'yon."

Natawa s'ya sa sinabi ko, "Ano kayo? AlDub? Tamang panahon?"

Nang nakarating na kami sa bababaan n'ya, nagpaalam na s'ya sa akin

"Salamat sa treat! Message ka lang kapag naging kayo na ha!" natawa ako sa sigaw n'ya, at saka s'ya umalis

Nagdrive na ulit ako pagkatapos nun, at hinatid na ulit 'tong mga natira sa bahay nila. Nauna si Grace, sumunod si Blythe, at huli si Rose.

Mabuti na lang at hindi nagalit sila Tita sa akin. Yung nanay ni Blythe, tuwang-tuwa pa dahil may tinake-out akong chicken wings para sa kanya.

Habang nasa biyahe ako pauwi sa bahay, napatingin ako sa oras at nakitang malapit na mag alas-dose. 21 na ako mamaya.

Napatingin din ako sa phone ko na nakalagay sa stand nang biglang magring


'Ely calling you...'


Sinagot ko 'yon syempre. "Oh? Napatawag ka?" tanong ko

[Galit ka yata? Bakit? Masama bang sabayan ka magcountdown?] saad n'ya

Napangiti ako. At eto, kumakabog na naman ang dibdib ko.

Feeling ko sa kaka-kape ko na rin 'to.

[Uy, kinilig s'ya.] asar ni Ely sa akin

"Ely! Sige 'pag ikaw..."

[Ano?]

"Nagdadrive ako, manahimik ka muna." saway ko

Nanahimik naman s'ya. Pero kinausap n'ya ulit ako nang sinabi kong nasa stoplight ako

"Magtu-21 ka na mamaya 'di ba?" tanong n'ya sa akin

"Oo? And so?" sagot ko sa kanya

"Baka namang pwede mo na ako sagutin?"

AlegriaWhere stories live. Discover now