46

90 8 1
                                    

"Happy holidays, Ria!" sabay abot niya ng regalo niya sa akin

"Thank you! Pagbalik na lang natin dito, saka ko ibibigay yung regalo ko sa'yo"

"No problem! Hahaha" sagot niya

Nag-aayos na 'ko ng gamit ko rito sa sala. Uuwi ulit ako sa amin para mag-celebrate ng christmas at new year. Susunduin daw ako ni Ate Yani mamayang hapon.

"Siya nga pala, hindi ka nagsasalita kagabi. Ano bang nangyari sa inyo ni Ely doon sa dorm?"

Parang pang-hot seat naman 'tong tanong ni Jeng. Bwisit na 'yan.

"Wala naman ah. Siraulo ka, ano na naman iniisip mo?"

"What i mean to say is, anong nangyari? Nag usap na ba kayo? Nagbati na ba kayo? Eh bigla ka na lang sumugod sa kaniya kagabi kaya nagulat kami e"

"Nag-usap kami. Nagpasalamat siya sa akin." tipid kong sagot

"Ayun lang?"

"Sinabi niya, sana maging masaya raw yung holidays ko."

"Ayun lang ba talaga?"

"Tapos niyakap niya ako ng mahigpit."

"Ayun na lang ba tala— ano?! Niyakap?!"

"Ha— Ano? Ah oo?"

Narealize kong nadulas na pala ako sa pinagsasabi ko. Pero totoo yun. Pagkatapos naming mag-usap, niyakap niya 'ko ng mahigpit.

Nakagaan sa pakiramdam ko. Pero hindi pa roon nagtapos 'yon

"Niyakap ka niya? For what?" takang tanong ulit ni Jeng

"Ewan ko. Basta sabi ko sa kaniya, sana maging masaya siya bago matapos 'tong taon na to..."

"And?"

"And sana, kung kaya niya akong kalimutan, kalimutan na niya ko."

"Ano?! Sinabi mo 'yan?! Nababaliw ka na ba?"

"Jeng, hindi ko kayang nakikita siyang nasasaktan. Pati sarili niya napapabayaan na niya nang dahil lang sa akin. Ang sakit na."

"Hindi pa rin tama yun! Sasabihin mo na sana maging okay siya bago matapos yung taon, tapos bigla kang magsasabi ng ganun?"

"Hindi ko na talaga alam kung anong sasabihin ko kagabi nung kaharap ko siya!"

Napahilamos ng mukha si Jeng gamit ang kamay niya, dahil sa mga nakakainis niyang narinig sa akin.

Nadala ako ng busgo ng damdamin. Lahat na yata ng pwedeng maramdaman, naramdaman ko kagabi e.

"Sana inamin mo na lang na mahal mo siya. Hindi yung—"

"Kung ikaw yung nasa sitwasyon ko Jeng, mahihirapan ka rin. Kung sasabihin ko 'yan sa kaniya, para ko na ring kinain yung sinabi ko na sa kaniya dati na kahit anong mangyari layuan niya 'ko."

"Gustuhin ko man kayong maging maayos pero, kayo rin yung gumagawa ng dahilan para hindi mangyari yun e."

"Hindi na kailangan. Tatapusin ko na lang 'tong feelings ko sa kaniya... kasabay nitong year na matatapos."

Natahimik kami pareho nang biglang magring ang phone ko. Nakita kong si Ate na ang tumatawag kaya sinagot ko agad

"Hello Ate? Nasa labas ka na? Sige, on the way na ko."

AlegriaWhere stories live. Discover now