3

178 8 2
                                    

"Ansakit na ng tiyan ko kakatawa! Tama na!"

Habang naglalakad kami ni Jennifer papuntang Molave ay hindi ko mapigil yung tawa ko dahil sa nangyari kanina

Nung makarating kami, umakyat pa kami sa second floor

Binilisan n'ya ang pagkuha ng susi sa kanyang bag, at saka binuksan ang pinto ng dorm n'ya

"Bakit parang madaling-madali ka naman ata?" nagtatakang tanong ko kay Jeng

"Ano ka ba Ria? Anong oras na rin oh baka abutan tayo ng dilim" sagot n'ya

Habang inaayos namin yung mga damit n'ya at nilalagay sa maleta, napansin kong napaka-kaunti nga ng gamit n'ya. Halos puro damit, essentials, at mga 'self-stuffs' lang.

Naalala kong galing nga pala s'ya sa condo, kaya ang mga gamit n'ya ay halos puro damit lang din.

Nakaka-isang taon na s'ya rito, pero halos damit lang ang gamit n'ya?

"Bakit naisipan mo naman agad lumipat ngayon? Eh pwede pa naman sa weekend 'di ba?" tanong ko

"Girl, ang weekends ay para sa pahinga. Itong ginagawa natin, hindi 'to pahinga" sabay tawa n'ya

"Saka isa pa, okay lang na lumipat ako agad. As in today. Na-message ko na yung landlady kanina, nakapagpalaam na ako. So don't you worry."

Ambilis talaga ng mga nangyayari. Kamag-anak ba ni Flash 'to?

"Isa pa, nakapagbayad na naman ako ng rent ko dito this month so wala na akong problema" dagdag n'ya pa

Oo nga pala, ganun ang mga patakaran sa dorm dito.

Napansin ko nga rin na kakaiba ang dorm dito dahil sa itsura, compare sa akin.

May mga furnitures na rito tulad ng sofa, kama, at iba pang gamit sa kusina

Maingay dito. At the same time, ang mga students kung saan-saan lang nag-yoyosi. Eh sa pagkakaalam ko ang bawat dorm na nandito sa UP may smoking area?

Hay nako, problema na nila 'yon. Ba't ko nga ba pinakikialaman?

Nang matapos kami sa mga gamit n'ya, nilinis n'ya muna ang dorm at winalisan. Tama nga naman, para naman walang masabi yung susunod na magrerent dito.





Pagtapos n'ya maglinis ay agad ko na rin s'yang inaya bumaba. Hinila ko na rin ang isa sa mga maleta n'ya, at ang isa naman ay sa kanya.

Girl, 'di pa man din ako nakakatapak sa hagdan pababa, napapagod na ako sa bigat ng maleta n'ya

"Kanino mo nga pala ibibigay 'yang susi nung dorm?" tanong ko kay Jeng

"Ay oo nga pala, sige sandali lang. Antayin mo ko dun sa baba, ibibigay ko lang 'to dun sa landlady. Malapit lang yun"

Tumango ako, at binaba mag-isa yung maleta ni Jeng.

Ambigat talaga, siz. May bato yata 'to sa loob eh

Nagulat ako nang may biglang lumapit sa aking lalaki. Naalarma ako dahil ngayon palang ako nagawi rito, at hindi ko kilala ang mga nakatira rito.

"Uy miss? Kaya mo ba 'yan?" tanong n'ya, na mukha pa yatang lasing

"Nakikita mo naman 'di ba?!" sarkastikong sagot ko

"Ansungit mo naman, miss. Akin na nga 'yan, ako na d'yan" sabay kuha n'ya sa maletang dala ko

"Antagal naman ni Jeng" bulong ko habang pinapanood yung lalaking nagbubuhat, na mukhang hirap na hirap din

Pagkababa ko sa hagdan ay saktong naibaba na rin n'ya yung maleta

AlegriaWhere stories live. Discover now