"Here! CASAA!" sabay turo ni Jeng sa building na nasa harap namin
"CASAA?" iniisip ko kung ano nga ba ulit yung meaning nito
Tangina ang tagal ko nang pumupunta rito, lagi ko na lang nalilimutan yung meaning ng CASAA.
"Basta, College of Arts and Sciences building 'to! Tara na!" sabay hila n'ya sa akin sa loob
Nang makapasok kami sa building ay agad na bumungad ang food park, at sabay kaming nagpunta sa bilihan ng pagkain.
Natatakam na ako sa mga nakikita ko.
Napadesisyunan namin na maghiwalay. S'ya ang bibili, ako ang hahanap ng upuan
"Alegria, ganito nalang, ako na lang ang bibili tapos ikaw na humanap ng mauupuan natin. Ano bang gusto mo rito?" tinuro n'ya ang mga pagkain na nasa harap namin
"Ah sige. Ah ano nalang sa akin, the usual, Tapsilog saka isang Coke" sagot ko, at saka inabot sa kanya ang bayad ko na tinanggihan n'ya
"Ako na magbabayad!" saad n'ya, pero pilit kong binibigay sa kanya ang pera ko
"Ako na! Isipin mo na lang na bayad ko 'to sa pagtulong mo sa akin maghanap ng bagong dorm" dagdag n'ya pa, sabay ngiti sa akin
Tumango naman ako at nagpasalamat. "Thank you! Sige hanap na ako ng mauupuan"
Nang makahanap na ako ng mauupuan namin, syempre umupo ako agad, at nagphone muna.
Naisipan kong kumustahin ang mga kaibigan ko noong high school sa kanilang first day.
Nagchat ako sa group chat namin, at agad naman nilang sinagot
riacsj: Hoy mga babae, kumusta naman buhay n'yo ngayon?
mcecilia: Okay naman, eto andami agad pinapagawa. And, hindi ko akalain na graduating na tayo!
Naalala kong sa UST nga pala nag-aaral 'tong si Mira
grasyaaa: Ria, kanina pa kami nagkukumustahan dito ngayon mo lang kami naalala?
roshineb: Ah baka busy sa lalaki
grasyaaa: Ay oo nga pala 'no! Hahahahaha ano Ria? Nakahanap ka na ba ng jowa d'yan? Siguro naman ngayong graduating na tayo makahanap ka na
Agad naman akong nagreact sa pinagsasabi nila Grace at Rose
riacsj: Tigil-tigilan n'yo ko ha, ayoko muna magfocus sa mga ganyan ngayon. Nag-iinit ulo ko
Bigla namang sumingit si Blythe, at nang-asar din
itsblythe: 'Wag mo kami lokohin Ria hahahahahahahaha lagi naman mainit ulo mo
riacsj: Nako, nag-iinit na naman ngayon. Alam n'yo bang kanina may nakatabi akong lalaki? New student s'ya sa class, napaka-ubod ng sungit. Tapos eto pa, tinapakan pa yung sapatos kong bago!
grasyaaa: Nako Ria, baka ayan na yung inaantay mong prince charming na marunong mag-gitara at kumanta
riacsj: Tigilan mo ko Grace ha
mcecilia: Pasintabi naman sa nag-aaral ng mabuti dito oh
itsblythe: Oo nga
roshineb: Bastusan ahhh
Habang tumatawa ako mag-isa ay nagulat ako sa naglapag ng tray na may pagkain sa harapan ko
"Ang haba ng pila jusko!"
YOU ARE READING
Alegria
FanfictionEraserheads Fanfic. A story inspired by the band's song, 'Ligaya.' Book Cover by: tapsilogues Date Started: November 14, 2020 Date Finished: August 13, 2021