36

107 6 2
                                    

"Okay, so the group who got the highest grades in your filmmaking thesis is..."

Kinakabahan ako, wait lang...

"Mr. Buendia's group." saad ng prof namin

Sabay na nagpalakpakan ang mga kaklase namin, at tumingin sa amin

"Tangina? Totoo ba yun?" bulong ko kay Jeng

"Siraulo, totoo 'yan. Tayo pinakamataas" sagot n'ya

Bigla kaming kinalabit ni Rayms mula sa likuran at nangbati

"Uy congrats sa atin! May future na tayo pare-pareho hahahahaha!"

Nagulat naman ako nang biglang...

"Salamat sa tulong mo." hinawakan ni Ely ang mga balikat ko at bumulong mula sa likuran

Puta, nakakakiliti yung boses n'ya. Pero 'di ko pa rin s'ya pinapansinin, kaya nginitian ko na lang s'ya

Isang linggo na rin yung nakalipas tungkol dun sa tanong n'ya sa akin...


"So... the feelings are mutual na?"


Na hanggang ngayon, hindi ko pa rin sinasagot.

Hindi ko sinasagot pero meron na akong sagot. Gets ba?

Tinawanan ko lang s'ya nun. At simula rin nun, hindi na ako nagsalita.

After i-announce ang about sa film thesis namin, umalis na ang prof. Sunod naman na dumating ang prof namin sa music

Hindi na ulit nag-abalang lumipat ng upuan ang dalawang lalaki

Actually, lagi na nilang ginagawa 'yan. Alam naman na siguro kung bakit?

Pero syempre, except sa mga subject na may seating arrangement.

Una, nagdiscuss lang ang prof namin. Hanggang sa malapit na rin matapos.

Ang bilis na ng oras ngayon ah?

Bago siya umalis, nag-announce muna s'ya about sa music battle

"So class, i have a good news! Sa mga sumali rito sa music battle, the contest is moved..."

Ano pa nga ba? Edi tuwang-tuwa ang reaksyon naming buong klase

"And it will be held sometime in..." sabay tingin sa schedule n'ya, "November! After your semestral break! Friday din"

Aba syempre, lalo kaming natuwa! Dapat kasi talaga, sa friday na yung music battle

"So ayun lang. I hope na sana may manalo at makuha sa inyo for UP Fair. Ang haba na nung time n'yo para magpractice, mga 2 weeks din."

Ayun, doon natapos yung announcement ng prof namin sa music. Saka s'ya nagpaalam.





"Ano? Rehearse na ulit?" aya ni Rayms sa kanila

Nandito na naman kami sa labas ng building, at maaga kaming dinismiss ng last subject namin

At saka kung nagtataka kayo bakit sila lang ang inaaya ni Rayms, dahil alam n'yang hindi ulit ako sasama sa kanila

"Ano? Hindi ka na naman ba sasama sa amin?" tanong ni Jeng sa akin

"Pang-ilang beses na 'yan Jeng? Gusto ko nga mag-concentrate. Ayoko na ng may kasama magrehearse" sagot ko

Narinig naman ni Ely ang sinabi ko, at umepal sa usapan

"Ayaw mo na kami kasama? Ako? Ayaw mo na ako kasama?"

Sakto naman at may humintong jeep sa harap namin, kaya sumakay na ako pauwi ng Kalayaan

"Bye!" paalam ko sa kanila bago sumakay, sabay kaway





AlegriaWhere stories live. Discover now