"Mauna na kayo, susunod na lang kami" saad ko kay Ely
Tinatapos ko pa kasi yung mga deadlines na ipapasa ko. At ngayon na rin yung araw ng gig nila.
"Sure kayo? Sige, ingat kayo." sabay yakap niya sa akin
Umalis na sila papuntang Route. Sakay ng kotse ni Rayms.
Pagkasara ko ng pinto, nakita ko si Jeng na kalalabas lang ng cr at nakabihis na
"Anong oras ka ba matatapos d'yan?" tanong niya
Bumalik ulit ako sa mesa, at nagsulat ulit, "Malapit na 'to. Ayoko lang gawin bukas kasi gusto ko magpahinga"
"Nako, i swear. Kung 'di ka pa makapasok sa Latin Honors niyan, magwawala talaga ako."
Natawa naman ako sa sinabi niya, "Grabe ka naman!"
"Magwawala talaga ako, dahil saksi akong pinaghihirapan mo lahat ng ginagawa mo"
"That's why i love you." sabay flying kiss ko sa kaniya
"Dapat lang na love mo 'ko dahil nauna ako kay Ely. FYI."
"Ang selosa mo talaga hahahahahaha!"
Pagkatapos ng ilang minuto ay natapos ko na rin yung mga deadlines. Nakaligo na naman ako kanina kaya magbibihis na lang ako
Paglabas ko, biglang nagvibrate yung phone ko. Pagtingin ko, "Si Ely nagtext"
"Ayaw niyang mawala ka sa paningin niya, 'no?" biro ni Jeng
From Mahal kong Buendia:
Asan na kayo? 1 hour na lang, sasalang na kami
"Hinahanap na nila tayo"
"Ay kamo papunta na. Atat naman 'yang mga 'yan!"
To Mahal kong Buendia:
Excited ka ba? Paalis na kami ni Jeng
Agad namang nagreply si Ely
From Mahal kong Buendia:
Kailangan ko ng inspiration. Dalian mo.
To Mahal kong Buendia:
Tantanan mo nga ako sa mga ka-cheesyhan mo Eleandre ha. Sige na, aalis na kami
Pagkatapos nun ay may reply pa siya. Pero hindi ko na binasa dahil nagtitipid ako ng battery
Pagdating namin sa Route, marami nang tao. Pati sa labas.
May mga nauna na pala sa kanilang nagperform. Sayang at hindi nga lang namin naabutan.
Pagpasok namin, nakita naming nasa table sila malapit sa harapan
"Oh 'di ba, anong oras na!" saad ni Ely sa amin ni Jeng
"Ano ka ba? Akala ko ba lulutuin na kayo?"
"Anong lulutuin pinagsasabi mo?!"
"Sabi mo sasalang na kayo e."
Tumawa ng sarkastiko si Ely, "Ang ganda ng joke mo Mahal. Nakakatawa, promise."
"Bakit? Ikaw lang ba may karapatan magjoke?" inirapan ko siya, "Eh kasi naman, excited ka ba masyado na pumunta ako rito?" sabay kuha ko ng drinks sa mesa nila
"Oo, excited na kong makita reaksyon mo habang pinapanood kami"
"Aba syempre nakangiti ako!" tinuro ko ang bibig ko habang nakangiti ng pilit, "Ano bang gusto mong maging reaksyon ko? Like 'Wow! Ang galing niyo Mahal! Grabe nakakamatay!' ganun ba?"
YOU ARE READING
Alegria
FanfictionEraserheads Fanfic. A story inspired by the band's song, 'Ligaya.' Book Cover by: tapsilogues Date Started: November 14, 2020 Date Finished: August 13, 2021