"Akala ko lunes na."
Bulong ko habang nags-stretching sa kama ko.
Napatingin kasi ako sa orasan, ang aga ko pala nagising
"Gosh, 5:00am?!" napasapo ako sa ulo ko
Dala lang siguro 'to ng maaga kong pagtulog. Hindi pala ako kumain kagabi, at naalala ko rin na hindi pala kami nagpapansinan ni Jeng.
Naisipan ko na lang i-chat sila Grace at i-kwento na ang mga nangyari. Para naman kahit papaano, gumaan ang pakiramdam ko
Kinuwento ko nang pagkahaba-haba sa kanila at agad namang nagreply si Mira, Blythe, at Rose
Himala at gising na sila ng ganitong oras? Maliban kay Grace na hindi ko alam kung anong ginagawa.
mcecilia: Aba gago 'yan ah! Kung nandyan lang ako, sinuntok ko na 'yan
roshineb: Baka naman crush ka lang nun
itsblythe: Buendia? Anong name n'ya?
Nagulat ako sa biglaang tanong ni Blythe, dahilan para mapa-upo ako sa kama ko
riacsj: Ely. Ely Buendia.
itsblythe: Ely? As in Ely Buendia?
riacsj: Ano bang sabi ko ha?
roshineb: 'To naman galit agad
itsblythe: Alam mo ba Ria may mga blockmates ako rito na laging bukambibig 'yang pangalan na 'yan. Isang lalaki...
Nagtaka ako sa pinagsasabi n'ya.
Napaisip tuloy ako kung may nakita na ba akong kasama ni Buendia na tiga-Archi dahil Archi 'tong si Blythe...
At, oo meron! Yung kasama n'ya nung nakaraan sa Arts subject namin.
itsblythe: Tapos yung isa naman, new friend ko. Jowa 'yata' s'ya ni Ely eh
riacsj: Ano namang paki ko kung may jowa s'ya?
Nang dahil sa sinabi ko, agad akong inulan ng asar.
roshineb: Nagseselos ka 'no?
mcecilia: Ehem
itsblythe: Ah basta ako Ria, kinuwento ko lang sa 'yo
riacsj: Kaya minsan gusto kong nagsasarili eh, inaasar n'yo lang ako. Sige na, nagugutom na ko. Bye.
Pagkatapos kong magpaalam sa kanila ay tumayo na ako at nagpunta sa cr para maghilamos
Paglabas ko ng cr, nakita kong gising na si Jeng at nagtitimpla ng kape
Hindi ko muna s'ya pinansin. Actually hindi naman talaga ako galit sa kanya, gusto ko lang muna palipasin yung nangyari kahapon at magsolo.
Nagdecide akong mag-almusal na lang kila Aling Nena. Nagpalit muna ako ng shorts at maayos na t-shirt. Kinuha ko na rin ang wallet ko at phone sa side table, saka umalis.
Naisipan ko na lang na maglakad para naman makalanghap ng kaunting hangin. Pero habang naglalakad, kung ano-ano naman ang pumapasok sa isip ko
Naalala ko bigla yung nangyari kahapon, at ang ginawa ni Buendia.
"Hahalikan? Baliw ba s'ya?"
"Inasar lang na 'bakla', manghahalik na? Tanginang 'yan."
At eto na naman ako, nagsasalita mag-isa.
YOU ARE READING
Alegria
FanfictionEraserheads Fanfic. A story inspired by the band's song, 'Ligaya.' Book Cover by: tapsilogues Date Started: November 14, 2020 Date Finished: August 13, 2021