33

94 5 1
                                    

"Kumusta nga pala yung short film?" tanong ni Rayms habang sinasaksak ang mga cables

Magrerehearsal ulit sila ngayon. Gusto ko rin sana, kaso yung gitara ko nasa dorm namin.

"Ah yung film? Hindi pa—"

"Tapos na." putol ni Ely sa sasabihin ko

"Ahhhhhh... ayun pala e! Tara panoorin na natin" aya ni Jeng

"Hah- tapos na pala? Sige kunin ko lang, wait" sabay tayo ko

Pumunta ako sa kwarto at kinuha yung laptop.

Paglabas ko, umupo agad ako sa sofa at binuksan ang laptop. Habang inaantay na mag-on, nagulat pa ko dahil biglang tumabi sa akin si Ely

"Tinapos ko 'yan kaninang umaga. Tulog mantika ka na nga nun e" bulong niya

"'Di ba sabi ko ako na gagawa? Talagang tinapos mo ha" pabulong na sagot ko sa kaniya

"Syempre, mahal kasi—"

"Tama na landi— este bulungan. Naka-on na yung laptop oh" saway sa amin ni Jeng

Hinanap ko ang pangalan ng file, ngunit naalala kong si Ely pala tumapos nun. Kaya nakipag-agawan pa siya sa laptop

"Ako na" sagot niya habang hinahanap ang file

Wala pang ilang segundo, nahanap na niya agad. Kaya nilapag na niya ang laptop sa mesa, sabay pindot ng 'play'

"Ganda! Ganda!" sigaw ni Marcus

"Wala pa pare. Excited?" saad naman ni Buddy

Nakakailang-minuto na, at napatitig lang ako sa mga unang eksena.

Nagulat ako nang biglang nag-ring ang phone ko, kaya tiningnan ko kung sino ang tumawag

"Mag-iingay nanaman 'to e" saad ko, nakita ko kasing sila Grace nanaman ang tumatawag

Binagsak ko ang phone sa mesa, at hinayaan na lang magvibrate 'yon

"Oh bakit hindi mo sinagot?" tanong ni Ely

"Hayaan mo sila, mag-iingay lang 'yan e" sagot ko

"Kayong dalawa yung maingay e!" saway sa amin ni Jeng

Tumawa na lang ako, at inayos ang pagkakaupo ko





Nandito ako sa kusina ngayon, umiinom ng tubig. Habang sila, nanonood pa rin doon sa sala.

Nakaka-15 minutes na yung short film. Mukhang patapos na rin yata

Pagbalik ko sa sala, nagpupunas pa ko ng bibig. Ngunit narinig ko ang isang eksenang nagpatulala sa akin...


"Oh, bakit ka nandito?"

"Uhmm, gusto ko lang mag-sorry. Mag-sorry sa mga inasta ko sa'yo"


Napatingin ako sa mga kasama ko, titig na titig sa eksena. Kaya pinagpatuloy ko na lang din ang panonood

Sa hindi inaasahang pagkakataon, bigla ulit kumabog ang dibdib ko.... nang muling marinig ang pag-strum ni Ely ng gitara niya, at ang pagkanta niya sa eksena...


"Nais ko ay magpakilala sa iyo,
at ipahiwatig ang nilalaman ng puso ko.
Maunawaan mo kaya, o baka sampalin mo lang ang aking mukha. Nagdadalawang-isip na..."


Hindi ko alam ang pumasok sa isip ko, at bigla ko na lang sinabayan ang kanta...

"Huwag na lang kaya..."

AlegriaWhere stories live. Discover now