26

94 6 0
                                    

"Mamayang lunch paregister na tayo" aya sa amin ni Ely

Walang prof na dumating ngayong oras. Siguro sa next subject, meron na.

Kaya eto, ang klase namin ngayon, parang nasa kulungan. Ang ingay!

Habang nag-aantay kami ng prof, kinuwento ko kila Mira na sasali ako sa contest


riacsj: Mga babae, sasali akong contest. Solo artist

mcecilia: Wow, that's nice hah

itsblythe: Wala kayong prof, Ria?

riacsj: Wala eh


Pero sa kasamaang palad, saktong pagsabi ko kila Blythe na wala kaming prof...

"Okay class, please back to your proper places" sabi ng prof namin pagkapasok niya ng room

Sinabi ko agad kila Blythe na meron na pala ulit kami na prof. In-off ko ang phone ko, at nakinig sa discussion ng professor namin

Sinabi niya sa amin ang tungkol sa thesis namin na film making

"Alam niyo na naman siguro yung tungkol sa thesis niyo 'di ba?"

"Yes, ma'am" sagot namin sa aming prof

"Okay, very good. Yung thesis niyo, it's about music. Particularly, your love for music."

'Di maitago sa mukha ko na kinikilig ako dahil sa sinabi ni ma'am

Bumulong ako kay Jeng, "Gagi, Jeng. Andami ng idea na pumapasok sa isip ko"

"Well, by group 'to. So kung papipiliin ako, sa'yo na lang ako sasama" saad niya

At tama nga si Jeng. By group daw sabi ng prof namin. At maaaring kami rin ang mamili ng grupo namin.

Sakto rin na 4 members kada grupo. Kaya agad na kumalabit sa amin si Rayms mula sa likod

"Oh apat na members daw. Tayo-tayo na lang ah" saad niya

"Tayo naman talaga eh" banat ni Jeng kay Rayms

Napangiti naman si Rayms, at ako nag-cringe sa sinabi ni Jeng

"Banat ba yun? Nakakadiri naman" reklamo ko

"Bitter" bulong ni Ely, na akala niya hindi ko maririnig

Bigla ko siyang hinabol ng palo sa braso, na dahilan para mapa-aray siya

"Okay. So that's all. The deadline of this thesis is on the last week of September"

Nagkatinginan ulit kami nila Rayms, at nagulat nang marinig ang deadline.





"Tangina. Paano tayo magrerehearsal niyan kung may thesis pa tayong iisipin?!"

Reklamo 'yan ni Ely sa amin habang naglalakad papuntang CASAA

"Edi gawin na muna natin yung thesis bago tayo magrehearse" suhestiyon ko

"Ayoko pa naman sa lahat yang mga thesis thesis na 'yan" reklamo ulit ni Ely

"Ayos ah" saad ko

"Mas ayos pag naging tayo" sabay akbay niya sa akin

At eto na naman, 'butterflies in my stomach'

Hindi ko na siya pinigilan sa ginawa niya. Hahahahahahaha, oo kinikilig na ko. Pero medyo may inis dahil sa ka-cornyhan niya

Nung nakarating kami sa cafeteria, binitawan niya rin ako agad.

AlegriaWhere stories live. Discover now