"Naasikaso ko na, and nandyan na lahat. Your ticket, visa, and passport." sabay abot sa akin ng boss ko ng isang envelope
Pinatawag niya ako kanina from my cubicle. Sa lahat ng employees, ako lang yung pinadala niya sa New York.
Baka raw next month, saka ulit siya mamili. Ayaw niya rin namang mawalan ng editors dito
"Thank you, Ma'am." ngiti ko
"Nasesense ko na you're not yet ready. Is there any problem?"
Hindi ko alam kung ano or paano sasabihin sa boss ko yung mga problema ko.
Actually, isang problema lang 'yon. Pero ngayon, parang pasan ko yung buong mundo dahil sa mga nangyari
"Uhm... ma'am, i think this is a private thing. My family, tanggap naman nila. But may isang tao rin po na sobrang malapit sa akin pero..."
"Correct me if im wrong pero, eto ba yung vocalist? The one na sinulatan mo ng article?"
"Uh.... yes ma'am. Hindi ko na po alam yung nangyayari sa amin since nung sinabi ko yung about dito. We're not in good terms."
Pinaikot-ikot pa ng boss ko yung ballpen niya, habang nag-iisip ng isasagot sa akin
"Honestly speaking Ria, siya, or i mean sila ng banda niya ang dahilan bakit kita pinromote as headwriter. Pati na rin sa pagpapadala sa'yo sa New York..."
Natahimik lang ako, pero patuloy pa rin siya sa pagsasalita
"Nakita ko yung sipag and brightness ng writing skills mo nung sinulat mo yung article about sa kanila last year. Kitang-kita na pursigido ka. And dapat lang na pasalamatan mo sila, lalo na si... si Ely dahil isa siya sa mga nakatulong sa'yo."
I think im lucky for having this kind of boss.
"S-salamat ma'am. Salamat. T-thank you for giving me a chance."
Umiling siya at tiningnan ako, "'Wag kang magpasalamat sa akin, sa kanila ka magpasalamat. Sila ang tunay na dahilan ng lahat."
Napayuko na lang ako bago tuluyang tumayo.
"I hope na makapag-usap kayo bago ka umalis." pahabol pa niya
Nginitian ko na lang ang boss ko, saka lumabas ng opisina niya.
Bumalik ako sa cubicle ko na walang kahit na anong reaksyon sa mukha
Although may mga nagco-congratulate sa akin dahil ako raw yung napili para sa work na 'yon, pero hindi ko talaga ramdam yung saya eh.
Pag-upo ko, sakto namang napatingin ako sa pinboard na nasa harapan ko
Tinitigan ko ang picture namin ni Ely na naka-pin doon, at naisip ang lahat ng nangyari.
Pagkatapos ko kasi sabihin sa kaniya yung pag-alok sa akin ng trabaho sa New York, wala na siyang inimik. At bigla na lang umalis sa harapan ko
Sinubukan ko pa siyang sundan sa loob ng apartment nun, pero dumeretso siya sa kwarto nila ni Marcus at sinara yung pinto
Hindi na 'ko nagdalawang isip na pilitin siyang buksan yung pinto dahil baka kung ano pang mangyari.
Bumaba na lang ako, at umalis na lang din ng walang paalam doon sa tatlong 'heads. Kaya naiwan silang nagtataka.
Pag-uwi ko, nag-iiiyak na lang ako sa kwarto ko. Mabuti na lang at hindi ako pinakialaman nila Mama
YOU ARE READING
Alegria
FanfictionEraserheads Fanfic. A story inspired by the band's song, 'Ligaya.' Book Cover by: tapsilogues Date Started: November 14, 2020 Date Finished: August 13, 2021