23

106 7 0
                                    

"Ria, ingatan mo 'yang kotse ko ha!" sigaw sa akin ni Ate Yani mula sa labas ng kotse n'ya

Thank you talaga sa lahat ng santo dahil may student license ako sa pagdadrive.

Malapit lang naman yung mga bahay nila. Si Mira, malapit lang din dito sa amin. Sila Grace, Blythe, at Rose naman, mga malalapit dun sa school namin dati.

Habang nasa stoplight ako, nagpatugtog muna ako. Cinonnect ko ang phone ko sa speaker, at ayun, habang nasa loob ako ng sasakyan, mukha akong tangang sumasabay sa kanta.

Una kong dinaanan si Mira. Bumaba ako ng kotse, at sakto namang papunta na ako sa bahay nila nang makasalubong ko s'ya

"Oy tangina ka! Nagpaalam ka ba kay Tita?" tanong ko sa kanya

"Pumayag naman si Mama. Basta umuwi lang daw ako. And, bawal sleepover! May review pa ako" paliwanag n'ya

Pagkatapos nun ay inaya ko na s'ya sumakay sa kotse. Pumwesto s'ya sa may shotgun seat.

Habang nasa biyahe, nagkaroon kami ng maikling conversation. "Kumusta sa UP? Ayos pa ba?" tanong ni Mira

"Ayos na ayos pa rin. Hindi nga ako makapaniwalang naka-apat na taon ako dun. Hahaha!" sabi ko

"Grabe 'no? Next year, graduate na tayo."

"Oo nga eh. Ikaw ba? Saan mo balak mag-apply na airline company?" tanong ko, dahil alam kong Tourism ang course n'ya

"Air Asia yata. Kasi may kakilala daw doon si Papa. Ikaw ba? Anong balak mo? Film Making? Record Company? Or Publishing Company?"

Lahat ng binanggit ni Mira, mga pangarap ko na kinukwento ko sa kanila noon pa lang.

"Hindi ko pa alam. Pero i think, mas prefer ko yung Publishing Company. Sa magazines, to be specific."

"Talaga ba? Hindi raw magaling sa music. Pero tangina, musically inclined." patawang sabi ni Mira

Porket marunong lang tumugtog ng mga instruments, musically inclined na?

"Kaso sayang 'no? Sila Grace at Blythe, next next year pa gagraduate."

"Oo nga eh."

Silang dalawa kasi, 5-year course ang kinuha. Si Grace, Engineering. Si Blythe, Architecture.

Speaking of, sa hinaba-haba ng usapan, hindi namin namalayan na nasa harap na kami ng bahay nila Grace.

Nagtuturuan pa kami ni Mira kung sino ang unang papasok. Pero sa huli, ako rin naman. Ako nag-aya eh.

"Hi Tito! Uhm... paalam ko lang po sana si Grace. Birthday ko po kasi bukas, may konting kainan lang po, pero ngayon." palusot ko

May kainan naman talaga. Pero syempre, iinom din hahaha!

"Siguraduhin mo lang na i-uuwi mo 'yan si Grasya ha!" paninigurado ng tatay ni Grace

"Opo Tito. No worries!" saad ko, saka lumabas kasama si Grace

Pagpasok namin sa kotse, nag-ingay na agad si Grace. "Tangina 'te! Kainan sabi mo kay Papa ah!"

"Ano ka ba, Tanduay Ice lang bibilhin ko. Uuwi pa ko sa dorm bukas 'no!" sagot ko

Habang nasa biyahe papunta kay Blythe, tinagawan naman nila si Rose sa video call

"Ano 'te? Nakabihis ka na ba?" tanong ni Grace

[Wala akong mahanap na damit! Pwede na ba 'to?] tanong ni Rose, sabay pakita ng suot n'yang maong palda

At aba, mas maiksi pa sa suot ko!

AlegriaWhere stories live. Discover now