49

189 11 15
                                        

"Ayun pala yung sinisikreto n'yo ni Rayms ah" sabi ko kay Ely habang naglalakad kami pabalik sa backstage

Oo, kami na. Pero hindi pa rin namin magawang mag-holding hands while walking

"Bakit? Ano bang akala mo?" tanong n'ya, sabay tawa

Una kong naisip, yung about kay Toyang. Simula kasi last month, napansin kong lagi silang magkausap

"Yung kay Toyang..."

Biglang napangiti si Ely ng hanggang tenga. Hindi ko alam kung bakit. May nakakatawa ba?

"Yung kay Toyang? Hahahahaha gusto mo ba malaman kung tungkol saan?"

"Ah.. ano..."

"Yung kaibigan n'ya, nagpapaturo mag-gitara. Eh ako lang naman daw ang kilala n'yang marunong, kaya sa akin s'ya lumapit."

"Eh bakit-"

Naputol ang sasabihin ko nang bigla n'yang hawakan nang mahigpit ang kamay ko

"Wala ka bang tiwala sa akin?" sabay titig n'ya

Sa hindi malamang dahilan ay bigla na lang akong napangiti. Kaya napangiti rin s'ya.

Pagdating namin sa backstage, naabutan naming kumakain sila Jeng ng binigay na food ng organizers

"Hoy kayong dalawa eto na yung pagka-"

Naputol ang sinasabi ni Jeng nang makita n'ya na hawak ni Ely ang kamay ko

Kinalabit ni Jeng si Rayms na busy sa pagkain, "Babe... sabihin mo sa akin na joke lang 'tong nakikita ko...."

"Ha bakit- pare?!"

Natatawa na lang kami nang makita ang mga reaksyon nila. Agad ko ring binitawan ang kamay ni Ely para kunin ang pagkain naming dalawa

Umupo kaming dalawa sa harap nila Jeng at Rayms. Si Rayms ay mukhang na-gets na kung anong meron

Pero si Jeng, nanatili pa ring nakatitig sa akin.

"Pare, asan si Earnest?" biglang tanong ni Buddy kay Marcus

Sakto namang pagtanong ni Buddy ay biglang dumaan si Earnest

"Earnest! Tawag ka ni Buds!" sigaw ni Marcus

Lumapit si Earnest kay Buddy, "Anong problema?"

"Sino- sinong nagluto nitong tocino?"

"Ako. Bakit? Hindi masarap?"

Ramdam na ang pagtataray ni Earnest pero biglang bumanat si Buddy

"Hindi eh..."

Paalis na sana si Earnest pero sinundan pa ulit ni ito ni Buddy

"Kasi, sobrang sarap." sabay ngiti n'ya, "Meron pa ba? Pahingi pa nga"

Napangiti si Earnest pero agad ding nawala nang marealize n'ya ang naging reaksyon n'ya

"Wala na!" sabay alis n'ya

Natawa sila Rayms sa naging banat ni Buddy kay Earnest kaya inasar nila ito

"Pare! Lumelevel-up ka na ah!" asar sa kanya ni Marcus

Bigla namang sumingit si Rayms, "Buds! Baka kayo na sumunod sa dalawang 'to ah!" sabay turo n'ya sa amin ni Ely

Dahil dun, bumalik ulit sa amin ang tingin ni Jeng

"Totoo ba yung sinabi ni Rayms?"

Natawa kami pareho ni Ely pero ako na ang sumagot sa tanong

AlegriaWhere stories live. Discover now