1

358 8 2
                                    

Past


"Jusko, ang init naman!" reklamo ko

Kakatapak ko palang sa labas ng dorm ko, nararamdaman ko na naman ang impyerno sa sobrang init.

I'm on my way to UP Diliman. Yes tama kayo, nakapasa ako. And thanks to The One up there.

Also, im thankful na may kasama akong payong dito. Kung hindi, baka nasunog na ako.

Ilang kilometro lang naman ang layo ng dorm ko sa college building. May mga jeep at tricycle naman, ngunit mas pinili ko na lang maglakad para makatipid sa pamasahe.





Nang makarating ako sa campus ay agad kong hinanap yung building ng first subject ko.

"Uh.... Eto! Plaridel Hall!"

Isa akong MassComm student. And im on my 4th year here.

Nang makita ko ang building, syempre una, namangha ako. Kahit na ilang beses na akong nakakapunta rito, manghang-mangha pa rin ako sa mga nakikita ko.

Pagpasok ko ng building ay agad kong hinanap ang una kong room

"298... 299... 300... 301!" sabay turo sa room number na nakalagay sa tabi ng pintuan

Pagtapak ko palang sa loob ay agad na akong humanap ng mauupuan. Ngunit sa palagay ko ay late na rin ako, dahil wala na masyadong bakanteng upuan sa harap.

Nang paupo na ako sa isang upuan na una kong nakita sa likod, napansin kong may nag-iisa pang bakante sa may bandang harap. Agad kong naisip na hindi pala sapat ang grado ng salamin ko kapag dito pa ako umupo sa likod.

"Ang hirap talaga 'pag malabo mata." bulong ko

Pagkaupo ko sa bakanteng upuan ay agad akong napatingin sa kaliwa ko. Napansin kong dalawang lalaki ang nasa tabi ko. Okay lang naman sa akin, though sanay na akong makatabi ang mga lalaki high school pa lang.

Eh halos mga kaibigan ko nga nung high school puro lalaki eh.





Hindi na ito yung dati kong nakasanayan. New professors. Hindi na kami block section. May mga nadagdag, may nabawas, at meron ding irregular. 4th year na kasi.

Irregular means, classmates mo sa ibang subject but from another course

Pagkaraan ng ilang minutong pagkakaupo ko dito, dumating na rin ang unang professor namin. Agad din s'yang nagpakilala nang ilapag n'ya ang kanyang mga gamit sa mesa.

"Good morning class. Im your professor in calculus and analysis, Mrs. Dela Cruz."

Agad akong nanlumo sa narinig ko. "Jusko, ang aga-aga Math agad. Ang init na nga sa labas, mag-iinit pa ulo ko rito." bulong ko

Nagulat ako nang may biglang malalim na boses ang sumuway sa akin.

"'Wag ka ngang maingay. Nagsasalita si prof oh."

Napalingon naman ako, at tiningnan ng masama ang lalaking nasa tabi ko

Gago 'to ah. Bumulong lang naman ako, feeling superior.

Lumingon na ako sa harapan, pagkatapos suntukin itong katabi ko sa isip ko.

"Okay. So you all know naman na you're not a block section anymore, hindi n'yo kilala ang ibang mga classmates n'yo and hindi ko rin kayo kilala so..."

Alam ko na kung saan papunta 'to...

"I would like to hear all of you to introduce yourselves."

Sabi ko na eh. As usual.

AlegriaWhere stories live. Discover now