15

133 5 0
                                    

"Aba nakangiti ka ngayon ah!" asar ni Jeng sa akin

Today is another day. Pagod na pagod na ako magalit araw-araw, kaya sinusubukan ko naman ngumiti

"Masama na bang ngumiti ngayon?" sarkastikong sagot ko

"Kausap mo si Ely kagabi 'no?"

"Oo bakit? May problema ba?"

Kausap ko lang s'ya kagabi, binibigyan na agad ng meaning.

"Oo meron"

Nagtaka naman ako, "Ano?"

"Ikaw. Ikaw yung problema. Ayaw mo pa kasi magka-crush d'yan e" patawang sabi n'ya sa akin

"May syota yun e, gago ka ba?" sagot ko habang tinatali ang sintas ng chucks ko

"Oy wala-"

Naputol ang usapan namin nang biglang may kumatok sa pintuan

"Bago ka mag-dada d'yan, tingnan mo nga kung sino 'yon" utos ko

Pagbukas n'ya ng pinto, kitang-kita sa mga mata n'yang kuminang ito

"Ano? Tara na?" aya ni Rayms

Rayms na naman pala eh.

Naalala ko bigla yung nakita ko kagabi, yung hinalikan ni Rayms si Jeng sa noo.

"Aba! Lumelevel-up ah, may pagsundo-sundo na" sigaw ko kay Rayms na nasa labas

Tumawa naman si Rayms. Inaya s'ya ni Jeng na pumasok muna, kaya umupo s'ya sa tabi ko habang nagtatali ako ng sintas.

"Angas ng chucks natin ah" puri ni Rayms sa suot kong sapatos

"Dami pa ko dun sa kwarto, gusto mo?"

"Sige ba!" excited naman n'yang sagot

"Syempre joke lang. Mga jowa ko yun e, bakit ko ipamimigay?" patawa kong sabi

"Chucks? Jowa mo? Akala ko ba si Ely jowa mo?" asar ni Jeng

Napatingin ang Rayms sa akin. "Uy ano 'yan ah..."

Pagtapos ko magsintas, agad akong tumayo at binatukan si Jeng, "Alam mo, kaysa asarin mo ako sa taong 'di ko gusto, alukin mo na lang 'yan si Rayms na kumain."

Tumanggi naman si Rayms at sinabing nag-almusal na s'ya kasama si Buddy

Naalala ko tuloy bigla si Buddy. Bakit kaya hindi na namin s'ya kaklase?

"Uy Rayms, ano nga pala nangyari bakit hindi na natin kaklase si Buddy sa Arts?" tanong ko

Sumagot naman si Rayms, "Ah ayun si Buds? 'Di ko rin alam eh, nagpapalit yata siya ng prof. Kasi nahihirapan s'ya sa sched n'ya, patong-patong yung mga subject."

"Ay ganun? Sayang naman"

Pagkatapos ng maiksing usapan namin, kinuha na ni Jeng ang bag n'ya at inaya na kaming pumasok. "Ano? Tara na baka ma-late tayo"





Habang naglalakad kami papasok sa college building namin, nag-uusap si Jeng at si Rayms. Kaya eto ako, nasa likod lang nila.

Third-wheeling again. Ano ba 'yan.

Nagphone na lang ako habang naglalakad. Pero nabigla naman ako nang may biglang humablot ng phone ko

"Hoy-"

Naputol ang sigaw ko nang makita si Buendia sa tabi ko

"Nasa gilid ng daan nagp-phone? Sino ba 'tong kausap mo?" saad n'ya sa akin habang tinitingnan ko ang phone ko

AlegriaWhere stories live. Discover now