"Magco-commute ka lang ba?" tanong sa akin ni Ely
Nandito sila sa dorm namin ngayon at nanggagambala na naman sa hindi malamang dahilan
"Oo nga! Ang kulit mo Ely. Hindi pa ba kayo uuwi sa inyo?" tanong ko habang nagsisintas ng chucks ko
"Sabay kami ni Jeng mamaya sa last trip ng bus" sabat ni Marcus
"Hindi na pala ako sasabay sa 'yo, Rayms" sagot ni Ely
Napatingin naman si Rayms sa kanya at nagtaka, "Hoy! Sabi mo magpapahatid ka sa inyo doon sa LP tapos bigla kang magbaback-out?"
"Nagbago isip ko eh" casual na sagot ni Ely
Napansin ko namang ngumisi si Jeng, at saka bumulong sa akin, "Mukhang may naaamoy na akong kakaiba"
Habang inaayos ko ang gamit ko, isa-isa nang umalis sila Rayms
Tumayo na rin si Ely. Ang akala ko, susunod na s'ya sa pagbalik nila Rayms sa dorm nila, kaso...
"'Wag ka munang aalis ah. Babalik din ako rito agad, may kukunin lang ako saglit" sabay takbo ni Ely palabas ng pinto
Nagtaka na ako at napaisip kung anong pakulo na maman ang gagawin nitong lalaki na 'to
Napatingin ako sa likod ko at nakita si Jeng na nakangiti, "Sabi ko na e. Kanina pa talaga ako may naamoy na kakaiba"
"Anong pinagsasabi mo d'yan buang?" tanong ko
"Pustahan, sasabay 'yan sa 'yo pauwi."
Agad na akong nagkaroon ng clue sa kanina ko pang pinag-iisipan. Mukhang ganun nga ang mangyayari.
"See you next, next, next week!" paalam sa akin ni Jeng bago ako makalayo
Palabas na sana ako ng Kalayaan after magpaalam kay Jeng, pero may biglang humila sa kamay ko
"Sabi ko antayin mo ko eh" saad ni Ely
Nakabihis na rin s'ya at suot ang bag n'ya
"Saan punta mo? Bakit? Sasama ka sa akin pauwi?" sarkastiko kong sagot
"Oo, masama ba?"
Binigyan ko s'ya ng nagtatakang reaksyon kaya natawa s'ya
"Bakit? Ayaw mo ba na may kasabay?" tanong n'ya
"Siraulo ka na ba talaga? North ako, south ka. Paano tayo magkakasabay n'yan?"
"Basta, patahimikin mo muna 'yang bibig mo" sagot n'ya
Hindi n'ya pa rin binibitawan ang kamay ko at hinila ako hanggang sa makarating kami sa hindi ko naman dapat pupuntahan.
"Mang Larry's muna tayo bago umuwi"
Ay, gutom na naman s'ya. Nagutom siguro 'to sa ka-cornyhan n'ya
Nakarating kami sa Mang Larry's na hindi n'ya pa rin binibitawan ang kamay ko
Hindi ko na rin naisip yung paghawak n'ya sa kamay ko nang matagal dahil tamad na tamad na rin ako at gusto ko nang magpahinga
"Anong gusto mo?" tanong n'ya sa akin
"Aba himala, manlilibre ka ngayon?" tanong ko
Mukhang may naiisip akong maitim na balak para ipambawi sa lalaking 'to. Hmmm...

YOU ARE READING
Alegria
FanfictionEraserheads Fanfic. A story inspired by the band's song, 'Ligaya.' Book Cover by: tapsilogues Date Started: November 14, 2020 Date Finished: August 13, 2021