"Oh ano? Edi okay ka na?"
Tanong sa akin ni Jeng habang nandito kami ngayon kila Aling Nena, nagla-lunch.
Ang bilis ng oras ngayong araw. Yung iba kasi naming prof ay hindi ulit pumasok sa klase namin
"Oo. Nakatulong yung mga sinabi sa akin ni Andres kagabi" sagot ko sa kanya
Kinuwento ko sa kanya yung tungkol kagabi habang papasok kami ng campus kanina.
"May naitutulong din pala yun eh. Kala ko tumambay at magbuhat lang ang alam" pabiro n'yang sinabi
"Ano ka ba! Mabait si Andres. Saka isa pa, may tiwala ako sa kanya, matalino pa. Tingnan mo Architecture ang course" sagot ko
Naalala ko bigla si Blythe. Hindi kaya, kaklase n'ya si Andres?
"Andami mo namang say, Clarette. So ano? Crush mo na?" asar ni Jeng sa akin
"Tarantado. Ayan ka na naman. Ikaw dapat ang tanungin ko tungkol sa lovelife eh" saad ko habang sumisipsip sa Coke ko
"Uhmmm, speaking of Rayms..." panimula n'ya
"Oh tingnan mo! Wala pa akong binabanggit na pangalan, Raymund ka naman agad d'yan" patawa kong sabi, "Oh bakit? Anong meron sa kanya?"
"Sa friday kasi... uhm ano kasi... inaaya n'ya ako kumain, sa CASAA" pabulong n'yang sabi
"Aba! Lumelevel-up kayo ah. So ano, iiwan mo ko ganun?" reklamo ko sa kanya
"Gaga, syempre hindi. Sinabi n'ya, pwede raw kitang isama kung gusto mo"
"Weh?" saad ko
"Oo nga! Edi kung ayaw mong maging third wheel dun, maghanap ka ng partner mo" asar n'ya
"Apakabastos talaga ng bibig mo, Jennifer!" sinabunutan ko sya sa bangs n'ya, na dahilan para mapa-aray s'ya
Patapos na kaming kumain, biglang lumapit si Aling Nena sa mesa namin para batiin kami. "Oh mukhang masaya kayo ngayon ah!"
"Uhm, may inshpereyshon lang po kashi" pabebeng sabi ni Jeng
"Aba-aba pumapag-ibig na si Jeng! Eh ikaw Ria kailan ka ma-iinlab?" tanong ni Aling Nena sa akin. Agad naman akong natawa sa tanong n'ya, at nagkibit-balikat na lang
Nagulat naman ako nang biglang sumabat si Jeng
"Inlab po 'yan si Ria, Aling Nena!" asar ni Jeng sa akin
"Aba eh kanino?" tanong ni Aling Nena
Pero nang sasagutin na ni Jeng ang tanong...
"Inay! Si Kuya Ely nandito!" sigaw ni Shirley kay Aling Nena kaya pati kami, napalingon.
Nang napatingin ako sa kanya ay napatingin din s'ya sa akin, kaya agad din akong umiwas.
Bigla kong naalala yung sinabi ni Andres kahapon. Patawarin ko na kaya si Buendia?
"Hmm, Ria. Baka matunaw si Ely n'yan." asar ulit ni Jeng
"Tangina mo basag trip ka. Napalingon lang e. Tara na nga!" aya ko sa kanya
Lumapit kami kay Aling Nena para i-abot ang bayad sa kinain namin, at napansing papalapit din si Buendia.
"Aling Nena, bayad po namin ni Jeng" saad ko
"Aling Nena, may sili po ba kayo diyan?" tanong naman ni Buendia
"Meron anak. Sandali lang at kukuha ako"
YOU ARE READING
Alegria
FanfictionEraserheads Fanfic. A story inspired by the band's song, 'Ligaya.' Book Cover by: tapsilogues Date Started: November 14, 2020 Date Finished: August 13, 2021