48

160 11 18
                                        

"Wow, anong meron?" saad ko nang makita ang tanghalian sa mesa namin

"Ikaw, tatanungin din kita. Anong meron kagabi?"

Ang ganda ng gising ko ngayong sabado pero mukhang sisirain na naman ni Jeng.

Pagkatapos kasi namin mag-usap ni Ely kagabi, hinatid n'ya ako dito sa dorm, at saktong kakarating lang din ni Jeng nun galing kila Rayms

Kaya hindi na ako magtataka kung aasarin n'ya na naman ako ngayong araw.

"Nag-usap lang kami."

"Tungkol saan? Sasagutin mo na s'ya?"

"Tanghaling tapat Jeng ha"

Umupo ako sa harap ng mesa at sumandok na sa mga pagkaing niluto n'ya

"Ano ba meron ngayon ha? Hindi mo naman birthday 'di ba?"

"Hindi ko birthday tang-"

"Happy monthsary, babe!" sigaw ni Rayms pagbukas n'ya nung pinto

Kaya pala nagluto ng tanghalian 'tong gaga na 'to.

"Sa wakas dumating ka rin. Nauna pa tuloy si Ria kumain nung mga hinanda ko para sa 'yo"

"Ay wow, sorry ha. Hindi mo naman kasi sinabi."

"Joke lang naman, 'to talaga oh. 'Di ka mabiro!" sabay tawa ni Jeng

"Happy monthsary ha? Stay strong, mga putangina n'yo" saad ko sa kanilang dalawa ni Rayms, saka humigop ng sabaw

"Bitter" sagot naman ni Rayms

"S'ya nga pala, asan yung tatlo?" takang tanong ni Jeng kay Rayms

"Susunod yun, tamo!"

Sakto naman at biglang pumasok si Marcus at Buddy

"Hello guys! Ang saya pala talaga 'pag may mag-syota sa tropa. Nadadamay sa date" saad ni Marcus, at nakiupo na rin sa mesa kasabay ni Buddy

"Oh, speaking. Teka kuha ko lang kayo ng plato" sabay tayo ni Jeng, at pumunta sa kusina

Pagbalik niya, "One, two- teka nga, tatlo 'tong kinuha kong plato. Asan yung isa? Bakit nawawala?"

Ang tinutukoy ni Jeng ay si Ely. Nakauwi naman kami kaagad kagabi kaya imposibleng mapuyat s'ya.

"Kanina pa s'yang umaga wala dun sa dorm namin e. Hindi ko alam kung saan nagpunta" saad ni Makoy

"Babe, tawagan mo nga. Kamo dito na rin s'ya mananghalian" utos ni Jeng kay Rayms

Tumigil muna saglit sa pagkain si Rayms, at kinuha ang phone n'ya. Sakto namang pag-dial n'ya nung number ni Ely ay biglang bumukas ang pinto

"Tangina pare..." saad ni Buddy habang nakatingin sa taong nasa pinto, "Ikaw ba 'yan?"

Napatingin kaming lahat sa may pintuan nang dahil sa reaksyon ni Buddy

Nagpagupit na si Ely. Maiksi na kaysa sa dati n'yang mahabang buhok.

Natahimik kaming lahat... pati ako.

Bagay na bagay sa kaniya yung gupit n'ya. S'ya na yung literal na gwapo, hindi na yung nasa t-shirt na sinuot n'ya

Napatigil ako sa pagtitig sa kanya nang bigla akong kalabitin ni Jeng, "Ria? Yung sabaw na nasa bibig mo baka tumulo"

AlegriaWhere stories live. Discover now