25

112 8 0
                                    

"Balita ko may bago ka raw gitara?" tanong sa akin ni Ely

Sabay-sabay kaming kumakain dito ngayon kay Aling Nena

Namiss ko yung mga pagkain dito, grabe. Napuno kasi yung tiyan ko ng karne dahil sa kinainan namin kahapon

Samgyup pa nga.

"Paano mo nalaman?" tanong ko sa kaniya

"Hehe. Sinabi ko" sabat ni Jeng sa usapan namin

"Ah oo. Regalo sa akin ng mga pinsan ko" sagot ko sa tanong ni Ely

"Anong gitara?" tanong naman ni Rayms

"Electric, yung strat"

Namangha ang dalawang lalaki na kasama namin ni Jeng. Halatang-halata sa mga mata nila

"Totoo ba?!" gulat na tanong ni Ely

"Oo nga! Andun sa dorm, dinala ko rito" saad ko

"Pahiram ako!" pagmamakaawa niya sa akin habang hawak ang braso ko

Itinaboy ko ang braso niya at sinabing, "'Pag naging tayo na, saka ko ipapahiram sa'yo"

Nagtawanan naman sila Rayms at Jeng sa biro ko. Samantalang si Ely, nagpakita ng malungkot na mukha.

Tinapos na namin agad ang pagkain namin, para makapunta sa next class namin





"Tabi tayo sa next class ah" bulong sa akin ni Ely habang naglalakad kami

"Ayoko nga. Ma-issue pa tayo" pag-iwas ko

Ayoko kasing sabihin ng iba na sinasamantala ko yung panliligaw niya. Nagpapabebe, ganun.

"Bakit naman?" saad ng pacute niyang boses

"Kahit magpacute ka diyan, kay Jeng pa rin ako tatabi. Except sa Literature natin"

Pagpasok namin, hinila ko agad si Jeng sa tabi ko.

Kahit na apat kaming magkakasabay na pumasok sa room, napansin kong iba yung tingin sa amin ng iba naming kaklase

Nung pag-upo ko sa upuan ko, may kaklase akong lumingon sa akin at nagtanong

"Ria, kayo na ba ni Ely?" tanong niya sa akin

"Huh? Hindi ah" seryosong sagot ko

"Okay"

Paglingon niya ulit sa harap, nakita kong binulungan niya ang katabi niya

Narealize kong yung binulungan niya, si Yna. Yung may gusto kay Ely.

Napairap ako nung lumingon siya sa akin, dahil inirapan niya rin ako

Leche! Dukutin ko yang mata mo e! Edi sa'yo na si Ely!





Arts professor namin yung pumasok dito sa room. As usual, discussion ulit dahil tapos na yung prelims. Bagong lesson.

Bago siya umalis, in-announce niya na may meeting sa Arts Department after class

"Mamaya may ihe-held na meeting ang Arts Department. May announcement yata sila about dun sa contest na gaganapin dito sa UP" saad ng teacher

"Sabi ko sa'yo meron eh!" sabay tapik sa akin ni Jeng

Napangiti ako dahil sa announcement. Mukhang opportunity na rin 'to para sa pangarap ko.

Balak ko kasing pumasok ng recording company para mapalapit sa passion ko. Which is music.

Kung 'di man ako maging singer, kahit atleast producer, manager, or copywriter lang, ayos na sa akin

AlegriaWhere stories live. Discover now