11

139 6 6
                                    

"Walang good sa morning ngayon ha. Tigilan mo ako" sagot ko nang batiin ako ni Jeng

Sunday ngayon, at wala na naman akong balak sa buhay.

"Bakit na naman?" tanong sa akin ni Jeng

"Nakita tayo ni Buendia kahapon sa Sunken" sabi ko sa kanya

"Oh, nakita lang pala eh. Ano namang problema dun?"

Aba. Tarantado pala 'to eh. "Anong okay dun, Jennifer?! Nakita mo ba yung itsura ko kahapon? Walang dapat makakita nun!" sigaw ko sa kanya

"And so? Ano naman ngayon?" saad n'ya

Ang tigas talaga ng ulo nitong babaeng 'to. Sarap i-untog sa mesa. "Gago ka ba? Anong 'ano naman ngayon' ha? Kaaano-ano ko ba s'ya para makita n'yang ganun yung itsura ko?"

"Future jowa" pabiro n'yang sabi

Binato sa kanya yung kutsarang nasa mesa, at sakto namang natamaan s'ya sa ulo

"Aray ko naman! Para yun lang, ang arte mo naman!" reklamo n'ya

Kasi naman, bakit ba nagtanggal ako ng jacket kahapon e alam kong nasa labas ako?

Pero madami naman akong nakikita na ganun din yung suot katulad ko dahil nag-eexercise din. So bakit nga naman ako mag-aalala?

"Oh, ano namang nireply mo sa message n'ya?" tanong sa akin ni Jeng habang pinupulot yung kutsara na nasa sahig

Pagkatapos ko makita yung message ni Ely kagabi, hindi na ako nagreply. Ano naman kung nakita n'ya ako sa Sunken 'di ba?

"'Di ko na nireplyan." sagot ko

"Ano ba 'yan, girl! Ang hina mo naman!"

Eh anong ire-reply ko dun? 'Ok' ganun? Duh, wala ako sa mood makipagusap sa kanya.





"Sunday ngayon, anong balak mo?" tanong ko kay Jeng habang nagpaplantsa ng mga damit namin

"Wait- wait lang, kausap ko si Rayms"

Rayms na naman. Pustahan, next week, sila na nito. Kapag nagsalita pa naman ako, minsan nagkakatotoo.

"Ate girl!" sigaw n'ya sa akin habang pinapagpag sa akin yung walis na hawak n'ya

"Ay- ay ano ba 'yan! Yung walis mo! Ano ba yun?! Kapag itong damit mo nasunog ko, kasalanan mo ah?" sagot ko

"Inaaya ako mag-lunch ni Rayms ngayon!"

Ayun. Iwan na naman ako.

"Okay sige, go. Alis ka na ngayon" sabi ko sa kanya habang tinuturo ang pintuan

"Sige, tanong ko si Rayms if pwede bang isama kita"

"Huy! 'Wag na! Ayokong maka-interupt sa usapan n'yo! Ayokong maging third wheel 'no! Gaga ka talaga" sigaw ko

"Okay, sabi mo eh. Paano yun? Anong kakainin mo dito?"

Oo nga pala, ubos na yung stock namin ng pagkain dito. "Siguro baka magpunta na lang ako sa convenience store mamaya"

"Okay. Sige bihis na ako. Susunduin daw ako ni Rayms sa labas"

"Sige lang. Take your time." sabay ngiti ko sa kanya

Habang nagpaplantsa ako, naisipan kong ilabas yung cassette player ko sa sala at magpatugtog na lang.

Paglabas ni Jeng sa kwarto n'ya, sabay kaming napatingin sa pintuan nung may biglang kumatok

"Sino ba 'yan Ria? Pagbuksan mo nga" utos sa akin ni Jeng

Pagbukas ko ng pinto, nakita ko si Marcus na nakabihis din. "Oh, Marcus! Kumusta? May kailangan ka?"

AlegriaWhere stories live. Discover now