60

110 6 12
                                    

"Oh yes? Napatawag ka?" sagot ko sa video call ni Aya habang nag-gogrocery para sa condo ko

I've been here in New York for 3 months. 3 months na rin akong nagt-training dito for a publishing company.

Okay naman dito, sa condo na sagot ng company, okay na okay. Tapos yung weather, yung mga tao, okay din.

Pero in that span of 3 months, actually wala pa rin akong nagiging kaibigan.

"Ano ka ba naman! Nangangamusta lang!" sabi ni Aya

Napangiti ako while putting some chips sa cart ko. Miss ko na rin siya, sa totoo lang.

"Hahahahaha okay lang! Eto nag-gogrocery ako. Pero teka..." napatigil ako saglit, "Madaling araw na diyan ah? Bakit gising ka pa?"

"Well, alam mo na. Nonstop articles. Mukhang ako na nga sumalo ng trabaho mo rito e"

Natawa naman ako. "Why do you say so? Bakit? Hahahaha"

"Eh 'di ba, ganito ka rin lagi noon. Jusko alam mo ba? Pati ako napapa-overtime na rin!" reklamo niya

"Nako! Ayaw mo nun? May dagdag sa sweldo? Hahahahaha!"

Habang naglilibot ako rito sa grocery, tahimik lang akong pinapanood ni Aya sa kabilang linya kahit na may ginagawa rin siya

Pero suddenly, nag-open ulit siya ng topic for us to talk to.

"By the way ha, nabalitaan mo na ba?"

"Ang alin?"

"Here" pinakita ni Aya sa akin yung screen ng laptop niya, "Eraserheads launches their new album!"

Natahimik ako bigla sa sinabi ni Aya.

Yung album na ni-launch nila, ayan yung cassette tape na pinaabot ni Ely sa akin thru Marcus bago ako umalis noon.

Pero honestly, hanggang ngayon, hindi ko pa rin napapakinggan yung mga songs na nasa loob nung tape. Maybe because of.... what happened.

But then, i'm happy for them. Lalo na kay Ely. Feeling ko mas naging focused siya sa endeavors nila nung nawala ako sa paningin niya.

"Uh... Ria? Okay ka lang?"

"Ha? Ah... oo! Yes! Sorry, iniisip ko pa kasi kung ano pa yung ibang bibilhin ko para sa stocks ko sa condo"

"Hmm.... Bakit? Hindi na ba kayo nag-uusap?"

Napatingin ako kaagad kay Aya na nakatitig pala sa akin habang kumukuha ako ng iba pang essentials. "Ha? S-sino? Sinong tinutukoy mo?"

"Kita mo 'to, kunwari pa. Edi si Ely!"

"Wala na kaming contact with each other. Ang last message niya, yung bago ako makarating sa airport noon. I told myself pa nga to not reply."

"Detailed na detailed ang explanation ah. Sure ka ba diyan?"

"Ay aba! 'Wag mo kong galitin dito at baka kung ano pang magawa ko. Sige na nga! Nagmamadali na rin ako"

Tumawa naman nang tumawa si Aya sa kabilang linya bago niya ibaba yung tawag. "Joke lang. You know naman that i know the real story 'di ba? Hahahahahaha! Sige na! Ingat ka diyan!"

Nilagay ko kaagad yung phone ko sa bag, at agad na dumiretso sa counter para bayaran ang lahat ng napamili ko

"Cash or card?" tanong ng nasa cashier

"Cash"

Parang tipikal na pag-gogrocery lang din tulad sa Pilipinas. Iniiscan isa-isa yung pinamili, then ilalagay sa paper bag

AlegriaWhere stories live. Discover now