7

149 5 0
                                    

"Ugh! Bakit ba kasi lumabas sa bibig ko yun?" bulong ko sa sarili ko

Napasapo na lang ako sa ulo ko habang nagd-discuss ang professor namin.

Two days na ang nanakalipas, pero hindi ko pa rin malimutan yung huling sinabi ko

Jusko, Ria. 'Yun lang naman sinabi mo, nababaliw ka na agad?

Tinanong ko na lang ang katabi ko kung may  naintindihan ba s'ya sa discussion

"Mau? Naintindihan mo yung lesson?"

"Ria, mukha bang may makikinig sa ganitong subject? Eh simula nung elementary ako hindi naman ako nakikinig sa ganito eh" saad n'ya

Putangina, Gen Math pala subject namin ngayon.

Hindi ko na talaga alam gagawin ko. Kaya naglaro na lang ako ng games sa phone ko nang patago. 

Ambait kong estudyante 'di ba? Partida, running for Latin Honors pa ko nito.

Makalipas ang ilang minuto, nabored din ako sa ginagawa ko. Tiningnan ko ang oras at mukhang matagal pang matatapos 'tong subject na 'to.

Paglingon ko sa paligid ay napansin kong nagp-phone din si Jeng. At aba, sinabayan n'ya pa ng mahinang tawa. Bakit kaya?

Partida, nasa bandang harapan pa s'ya ng row nila naka-upo. Ako yung kinakabahan para sa kanya dahil baka bigla s'yang mahuli

Nagulat naman ako nang may tumawa nang malakas sa bandang likod. Nakita ko si Raymund na tumatawa rin habang nagp-phone

Hindi kaya, magkausap 'tong Jeng na 'to at si Raymund? Ang tapang nila ah.





Sa wakas at natapos na rin ang Gen Math class namin. Sakto namang nag-ring na rin ang bell for lunch break. Kaya agad kaming lumabas at naghanap ng makakainan

"Sawa na ako sa CASAA. Tara dun na lang kay Aling Nena" suggestion ko kay Jeng

"Aba! Kay Aling Nena? Gusto mo lang yata makita ulit si Ely dun e" pabiro n'yang sabi

"Gaga ka ba? At bakit ko naman s'ya susundan?"

"Oh may sinabi ba akong sundan natin? Wala naman 'di ba?" sabi n'ya habang tumatawa

Lord, binigyan n'yo nga ako ng kaibigan, pero mapang-asar naman.

Dahil sa sinabi n'ya, inasar ko rin s'ya. "Hoy ikaw gaga ka, kanina nung nasa class nakita kitang nagp-phone. Heeeep! At tumatawa ka pa talaga ha"

Agad naman s'yang sumagot sa sinabi ko

"Ikaw ba namang walang maintindihan sa lesson, 'di ba gagawin mo rin yun?" dahilan n'ya

Oo nga naman. Kanina rin pala nagphone ako dahil wala akong maintindihan sa lesson.

"Eh bakit ka tumatawa nun ha?" tanong ko sa kanya

"Ahhh... hahahahahaha, ayun? K-kasi.... kanina kausap ko si.... Rayms" kilig n'yang sinabi

Oh 'di ba tama ako ng hinala!

"Sabi ko na eh. Kaya pala kanina, tawa rin nang tawa si Raymund sa likod" saad ko. "Oh ano namang pinag-usapan n'yo? Bakit tawa ka nang tawa?"

Sa haba ng usapan namin, 'di namin namalayan na nandito na pala kami kila Aling Nena. Umorder kami, at agad na naghanap ng ma-uupuan

"Hi Aling Nena! Paorder po kami ng dalawang Tocilog saka dalawang Coke" saad ni Jeng

"Oh mga anak nandito ulit kayo! Sige ihahain ko na lang sainyo't maghanap na kayo ng ma-uupuan" sagot ni Aling Nena

AlegriaWhere stories live. Discover now