29

99 6 0
                                    

"Friday na 'di ba? Last day na ng shoot?" tanong ko kay Jeng

"Oo" sagot niya sa akin bago pumasok sa cr para maligo

Friday na ngayon, at ang aga-aga ko nagising. Hindi ko rin alam kung bakit.

Kumakain ako ngayon sa sala ng almusal, habang nanonood ng palabas sa tv

Nakaligo na ko kanina, nakabihis na rin ako, at sapatos na lang ang kulang

Habang nakaupo ako sa sala, tinitingnan ko ang mga shots kahapon sa camera ko

Habang tinitingnan ko yung mga scenes namin ni Ely, nakaramdam ako ng mga makukulit sa tiyan ko

Yung mga pagtugtog namin ng gitara, yung mga pag-uusap namin, sa lahat ng scenes nakaramdam ako ng kaba.

Out of nowhere, bigla kong naisip kung nagkakagusto na nga ba talaga ako sa kaniya?

Nililipat-lipat ko yung mga videos and pictures, saka nakita ang isang litrato...

Naka-akbay sa akin si Ely. Ako naka-peace sign, at pareho kaming nakangiti sa camera.

Pinicturan ko 'yon, at in-add ko sa ig story ko


'cute ko dito @elybwenja'


Pagkatapos ko i-add sa ig story ko, bigla na ring lumabas si Jeng galing sa cr

"Oh, bakit parang gulat na gulat ka naman yata?"

"Ah wala, wala" palusot ko

Saka pumasok sa kwarto niya at nagbihis

Ako naman, inayos ko na yung gamit ko. Nilagay ko sa bag yung camera, at nagsuot na ng sapatos ko

Sakto naman ding pagsuot ko ng sapatos ko, biglang may kumatok sa pintuan.

Pagbukas ko, nagulat ako sa nakita ko...

"Hi" saad ni Ely, sabay ngiti nya

Natawa naman ako sa ngiti niya, hindi nakalabas yung ngipin hahahaha

Ang cute niya huh.

"Ano ginagawa mo— uy Rayms!" nagulat ako nang biglang sumulpot si Rayms sa likod ni Ely

"Sinusundo kayo. Masama ba?" saad ni Rayms

Natawa ulit ako. No choice rin naman ako kaya pinapasok ko muna sila habang nasa kwarto si Jeng

Umupo sila sa sofa, at kinuha ko ang mga pinagkainan ko, saka hinugasan sa kusina

Narinig kong bumukas ang pintuan ng kwarto ni Jeng, "Ria yung suklay ko as— tangina! Ang aga-aga nandito kayo! And wow, himala? Kasama mo si Ely?"

Nagulat ako nang biglang may lumapit sa akin sa kusina habang naghuhugas ako

"Tangina. Si Ely, ngayon lang 'yan sumama kay Rayms para magsundo dito ah" saad ni Jeng

"Yaan mo siya hahahaha" sagot ko

"Uy kilig si gaga oh. Asan muna suklay ko?"

"Aba malay ko sa'yo bakit ako hinahanapan mo ng suklay mo?"





Naglalakad na kami papuntang campus. As usual, partners ulit.

"Siguro naman hindi ka na mukhang thirdwheel?" tanong ni Ely sa akin

"Thirdweel pa rin ako. Bakit? Sinagot na ba kita?" asar ko sa kanya

"Oo" seryosong sagot niya, "'Di ba nga mahal na tawag mo sa akin?"

AlegriaWhere stories live. Discover now