57

112 9 7
                                    

"Ano nga palang balak mo sa anniversary niyo?" tanong sa akin ni Aya habang kumakain kami rito sa cafeteria ng office

It's been a month since nung nagpunta kami ni Ely sa Antipolo nung new year. Sobrang saya at nakakatuwa yung araw na 'yon.

Inabot kami ng liwanag doon. Nakatulog kami pareho ng mahimbing sa kotse niya nang dahil sa lamig

Saka niya lang ako ginising nung nag-umaga na.

But to answer Aya's question, "Hindi ko pa alam eh. Siguro mag-Antipolo ulit?"

Dahil doon sa napublish kong article, alam na ni Aya kung anong pangalan ng boyfriend ko

At alam niya na rin na ang boyfriend ko ay vocalist ng sikat na banda ngayon

Wow, proud.

"Eh 'di ba, kakasabi mo lang na nag-Antipolo na kayo ni Ely nung new year?"

Well, wala pa talaga akong balak eh. Or kahit anong dinner date man lang or something. Busy na kami pareho, lalo na siya.

Nabalitaan ko rin sa kaniya na may guestings sila sa radyo. Ni hindi ko pa nga alam ngayon kung paano sila mapapakinggan e

"Bahala na. Saka, depende rin. Baka mamaya pareho kaming busy nung araw na yun" sagot ko kay Aya

Nagtaka naman siya, "Ikaw busy? Ng valentines day? Seryoso ka ba? Eh pwede mo namang ipasa samin yung gagawin mo sa araw na yun if ever"

Saktong Valentines Day nga pala naging kami ni Ely.

"Sabihin na nating pwede kong gawin 'yan, pero si Ely, kaya rin bang gawin 'yan? Na i-asa sa mga kabanda niya yung pagkanta niya para makapag-celebrate lang kami ng anniversary namin?"

"Okay. Enough with this one. Tanghaling tapat nag-aargument tayo rito. Tara na, balik na tayo sa trabaho!" aya niya sa akin

Bumalik kami sa trabaho and continued all articles na nasimulan namin.





After the article i posted sa website namin about sa debut album launch ng Eraserheads last year...

Na-promote ako as one of the headwriters ng advertising company.

Natawa pa sa akin si Ate Yani dahil mukhang maaabutan ko na raw ang pwesto niya. Pero still, yung mga ginagawa ko ay ganun pa rin. Medyo naging sketchy lang dahil dun sa position

Like ngayon, nagle-layout pa rin ako ng feature article para sa isang magazine.

But speaking of layout, habang ginagawa ko yun ngayon, biglang tumawag sa akin si Ely

"Mahal!" sigaw niya sa kabilang linya, dahilan para ilayo ko bigla yung phone ko sa tenga ko

"Naninigaw ka pa!" sagot ko, "Oh bakit na naman?"

"Maingay kasi rito sa studio na pinuntahan namin e! But we're live later sa facebook!"

Nagulat naman ako sa sinabi niya. "Facebook?! For what? Interview?"

"Oo! Manood ka ha! Isha-shoutout kita doon!"

"Shoutout?! Hahahahahahahaha sige try kong humabol mamaya. May ginagawa pa ko ngayon eh"

"Maya-maya pa naman yun. Send ko sa'yo yung link nung page"

"Okay. Noted, Mr. Buendia."

"Wala bang kahit man lang 'love you' diyan?"

Sasagot na sana ako sa sinabi ni Ely pero may biglang tumawag sa akin from a far. "Miss San Juan!"

"Uh teka— mamaya na lang ulit! May ipapagawa pa yata sa'kin. Bye!"

AlegriaWhere stories live. Discover now