"Ikaw ba yung sumisigaw kagabi ha?" bulong ni Jeng sa akin
Magkatabi kami ngayon sa Arts class, habang nakikinig sa discussion.
"Uh, oo. Ako yun." sagot ko sa kanya
Napasapo ako sa ulo ko, dala nang sakit ng ulo. Jusko, nang dahil din dun, napuyat ako.
"Akala ko maingay yung nasa kabilang dorm, bakla ka. Ano bang meron bakit nagsisisigaw ka kagabi?"
"Na-like ko kasi yung video ni Ely.... habang nag-gigitara" sagot ko sa kanya
"Oh na-like lang naman pala e. Wala naman palang problema" kalmado n'ya pang sagot
"Meron Jeng. 'Di ko naman siya finollow e..."
"Ha?!"
Napasigaw si Jeng nang malakas, na dahilan para mapatingin sa amin ang prof at mapunta ang atensyon ng mga kaklase namin sa amin
"What is that noise, Ms. Torres?" tanong ng prof kay Jeng
"Sorry ma'am- uhm... it was just an insect. Biting me- yes po... insect." palusot n'ya
Insekto yung nakapahamak sa akin kagabi, pero insekto din yung nakapagligtas naman kay Jeng ngayon
Tangina ano bang meron d'yan sa mga insekto na 'yan?
"Okay, then. Back to the topic. So i was saying..."
Akala ko uusok yung ilong ni ma'am at papalipatin s'ya ng upuan e.
"Ang lakas mo kasi sumigaw e" reklamo ko sa kanya
"Kasi naman, bakit hindi mo na lang finollow agad para naman hindi halatang napindot mo lang?"
"Ayoko, hindi ko 'yan ifa-follow kahit kailan." sagot ko
Kahit kailan, hindi ko s'ya ifa-follow. Maliban na lang kung s'ya ang magfollow sa akin, 'di ba?
"Okay. Before i leave, i have an important announcement" saad ng prof
Agad kaming umayos ng upo ni Jeng at nakinig sa sasabihin ng professor
"Nakita n'yo na naman siguro yung mga naka-post sa bulletin board 'di ba?" tanong n'ya, na agad namang nagpatango sa aming lahat
"Since nabasa n'yo na naman, i would like to encourage you all na sumali sa organization na bubuo-in ng Arts Department. I'll assure you, maeenjoy n'yo ang last year n'yo rito. Kaya sumali kayo..."
Eto na nga ba ang sinasabi ko. Lord, sign na ba 'to?
"This would be good for you all, especially to those who love Arts. Everyone is welcome. There are different branches of Arts in that organization. Like, visual and theater arts, music, uhm..... and many more. If you like to know what are the other branches they have, just go to the Arts Department or just email them if you want."
Visual Arts? Music? Uh.... 'di ko na talaga alam. Help.
"I think the registration will start on....." tiningnan ng prof ang phone n'ya, "Monday."
"Okay that's all for today. I hope all of you, or anyone from this class, will join."
Kailangan ko ng mas matagalang pag-iisip dito. Sana may makatulong sa akin.
Saktong nag-ring naman ang bell para sa lunch at lahat ay tumayo na
"Ano? Sasali ka? May music daw oh" sabi sa akin ni Jeng
"Hindi ko pa alam. Nandyan pareho yung gusto ko. Kailangan kong mamili lang ng isa." sagot ko sa kanya habang papalabas ng room
"Edi piliin mo nalang si- uy si Ely!"
YOU ARE READING
Alegria
FanfictionEraserheads Fanfic. A story inspired by the band's song, 'Ligaya.' Book Cover by: tapsilogues Date Started: November 14, 2020 Date Finished: August 13, 2021