"'Wag naman magpakalasing masyado, bakla." saad ko kay Jeng habang inaagaw yung pang-limang bote niya ng San Mig
"W-wala kasing ganito sa La Union e, parang gago" reklamo niya
Ang Eraserheads nasa stage na, nagp-perform. Gusto ko sanang manood ng matiwasay pero at the same time, kailangan ko ring patigilin si Jeng
Nung una sumunod naman. Kaya nakanood na ko nang tuloy-tuloy. Pero nung patapos na yung set ng 'heads...
"Tangina mo naman Jeng. Sisirain mo ba atay mo?"
"Tanga! Ngayon lang ako ulit uminom! Kaya pwede ba!" sigaw niya
Pagkatapos magperform nung 'heads, agad silang bumalik sa mesa namin
Si Rayms, tinabihan na si Jeng. Ngayon, silang dalawa naman ang nagtatalo, at si Rayms naman ang umaawat sa kaniya
"Si Jeng feel ko bantay sarado sa La Union ng magulang niya kaya 'di maka-inom" saad ni Marcus
"Malamang sa malamang" sagot ko. "Biruin mo, wala raw San Mig sa La Union? Napaka-imposible naman nun hahahahahahaha!"
Napatingin kami kay Buddy na biglang tumayo sa tapat ng upuan niya, "Teka, si Ely asan? Bakit hindi natin kasunod?"
Nung luminga-linga kami sa paligid, nakita namin si Ely na kalalabas lang ng backstage. Hawak ang isang sobre
Pagdating niya sa mesa namin, "Ayan. Mamaya na lang paghatian"
Nilapag niya yung sobre na yun sa mesa. Mukhang bayad yata nila ngayong araw for their gig
Umupo si Ely sa tabi ko. Tiningnan ko siya, at napansing parang nag-iisip ng malalim.
"Pare, may importante tayong agenda..."
Napatingin kaming lahat sa kaniya, pero tanging si Makoy lang yung sumagot sa sinabi niya. "Ano?"
"Hinahanapan na tayo ng management dito ng manager. Tangina. Saan tayo kukuha? Paano? At sino?" sunod-sunod na tanong ni Ely
Napakamot silang lahat ng ulo. Nung una, sa akin pa sila tumingin pare-pareho pero nagsalita na ko kaagad
"Ayoko. Sinabi ko na dati sa inyo yun 'di ba? Saka may trabaho na 'ko ngayon."
Tumingin din sila kay Jeng na walang idea. Kaya si Rayms na ang sumagot para sa kaniya
"May trabaho na rin 'to. 'Di pwede."
Pati si Marcus, wala ring kilala na pwedeng mag-manage sa kanila
Napaisip sila lalo kung sino, paano, at saan kukuha ng manager
Pero ang tahimik na Buddy, bigla na lang nagsalita. "W-wala rin akong kilala!" kaya nagulat kami
Lahat kami ngayon, clueless. Walang alam kung paano gagawin ang lahat ng iyon. Pati paghahanap ng manager, pagtutuunan din nila ng pansin ngayon.
Nang dahil sa wala silang maisip, dinaan na lang nilang apat iyon sa inuman. Ako, pangalawang bote pa lang pero hindi na maganda ang pakiramdam ko
Ilang buwan lang akong hindi uminom, bumaba na agad tolerance ko?
Si Ely, unti-unti na ring nalalasing. Si Jeng na kanina pa umiinom, bagsak na ang katawan.
Kaya, naisipan na rin naming umuwi na. Dahil ako, may trabaho pa bukas.
Si Rayms na ang nagdrive, as usual. Mukhang wala naman siyang tama kaya smooth ang biyahe namin hanggang sa apartment nila.
YOU ARE READING
Alegria
FanfictionEraserheads Fanfic. A story inspired by the band's song, 'Ligaya.' Book Cover by: tapsilogues Date Started: November 14, 2020 Date Finished: August 13, 2021