"Aaaaaa! Hindi ko maintindihan!" bulong ko sa sarili ko habang nagrereview ng calculus dito sa library
Weeks go by since that message to Buendia. After nun, nagfocus na lang muna ako sa acads at isinantabi ang pag-gigitara.
Minsan ko na lang din makasama si Jeng dahil lagi silang magkasama ni Rayms. Actually, sa dorm na nga lang kami nagkikita.
Last na math ko na naman 'tong calculus sa course ko pero bakit ba hindi ko pa rin maintindihan 'to?
Una kong naisip si Andres. Dahil nung nagstruggle rin ako rito nung isang araw, s'ya ang tumulong sa akin.
Kaya binuksan ko ang phone ko at minessage s'ya
riacsj: Andreeees! Nandito ako sa library, help me sa calculus pls huhu
juandres: Hahahahahahaha okay, otw!
Mabuti na lang at after 20 minutes, nakarating din s'ya agad sa dito library
"Tangina sabog ka na ah?" bulong n'ya habang naka-upo sa tapat ko
"Prelims na next week, pucha, wala pa rin akong naiintidihan sa calculus na 'yan!" reklamo ko
As much as possible, kahit inis na inis na ako, pinipilit ko pa ring hinaan ang boses ko.
"Okay, ganito..." sinimulan na ni Andres ang pagtuturo sa akin
May times na hilong-hilo pa rin ako sa equation pero thank God na may technique s'ya para mapadali.
Nagpaturo na rin ako ng iba pang topic, dahil kahit saang parte ng libro ako tumingin, may numbers pa rin!
After ng tutorial session ko with Andres, syempre nagpasalamat ako sa kanya.
Sagot n'ya naman, "Wala yun. Basta kapag may hindi ka ulit nagets, message mo lang ako. Anytime."
Kinuha ko ang mga gamit ko at tumayo na rin agad para magpaalam sa kanya dahil may klase pa ako. Isasauli ko na rin sana sa shelves ang librong hiniram ko nang biglang nakasalubong ko si Buddy
"Buddy!" mahinang sigaw ko sa kanya
Na buti naman at narinig n'ya. "Uy Ria! Musta? Grabe hindi na kita nakikita na kasama si Jeng-Jeng"
"Hahaha oo nga eh. Nagrereview na kasi ako for prelims next week. Gusto ko pumasa, regalo ko na rin para sa birthday ko"
"Uy, talaga? Kailan ba birthday mo?"
"Ahh... sa next next Sunday pa!"
"Advance! Hahaha! Baka hindi na kita mabati dahil busy na rin ako" saad n'ya. "Nga pala, nung nakaraan nag-Club Dredd kami. Sayang hindi ka sumama!"
"Naku, wala na akong time para dun. Mas gusto ko pang tumama sa test kesa magkatama dahil sa alak. Hahaha!" biro ko
Habang nag-uusap kami, napatingin ako sa relo ko at nakitang malapit na mag-ring ang bell ng next class
"Shit! Sige na Buds, baka malate na ako. See you ulit around!" sabay takbo ko palabas ng library
Dumating ako sa room na naka-specs pa at magulo ang buhok. Sakto namang nag-aattendance na, mabuti na lang at nagsave ng upuan si Jeng para sa akin.
"Saan ka galing? Bakit parang galing ka sa giyera?" patawa n'yang sinabi
Sagot ko, "Sumakit ulo ko sa calculus. Andun ako sa library, nagb-breakdown."
YOU ARE READING
Alegria
FanfictionEraserheads Fanfic. A story inspired by the band's song, 'Ligaya.' Book Cover by: tapsilogues Date Started: November 14, 2020 Date Finished: August 13, 2021