"Ely! Pahingi naman ng tubig oh" hingal na saad ni Buddy
Naghabulan kasi sila nung inasar nila si Buddy tungkol sa nangyari kanina
Yung kay Earnest, hahahaha!
"Kumuha ka dun sa ref!" sigaw ni Ely habang inaayos yung cables ng gitara
Ganito pala itsura sa dorm nila ni Marcus. Okay naman, malinis kahit papaano.
At may video games din sila dito ah. Love it.
Matagal na silang nagja-jam dito. Saka isa pa, ngayon lang talaga ako nagtagal dito
Yung unang punta ko rito, nung hinatid namin sila dito galing Route at saka binagsak si Ely na lasing sa kama n'ya. Pero sabog na ko nun hahahaha
"Guys! Brainstorming muna! Buddy, Makoy, tulong na rin kayo! May thesis kami sa film. About music" paliwanag ni Jeng
"Ano ba kasing balak natin?" tanong ni Ely
"'Di ba nga, kayo ni Ria magkapartner? Tapos ang plot natin, parang yung nangyari sa totoong buhay..."
Napatingin kaming lahat kay Jeng...
"'Di ba si Ria gustong matutong mag-gitara ulit dati? Ganun yung flow, magiging close sila ni Ely tapos magkaka-inlovan tapos ayun. Bahala na sa huli. Short film lang naman 'yan"
"Ayan yung mga gusto ko e! Yung aacting si Ely na wala naman sa skills n'ya hahahahaha!" asar ni Marcus
"Tangina mo Marc! Trip mo ko ha" sigaw ni Ely
"O sige ganito na lang, ganun pala yung flow edi simulan muna natin magrehearsal apat. Para etong dalawa makapagpahinga na" saad naman ni Rayms habang tinuturo si Buddy at Marcus
Habang inaayos nila yung mga instruments nila, naisip kong kunin sa dorm namin yung electric strat na regalo sa akin ni Ate Yani
Magpapractice na rin pala ako ng piyesa ko.
"Jeng, alis muna ako saglit. Kunin ko lang yung gitara ko"
"Sige lang. Anong oras na rin ah, ingat ka d'yan"
Paglabas ko, nagulat ako nang biglang may humawak sa balikat ko
"Ely naman!" sigaw ko habang naglalakad
"Anong oras na, sasamahan lang naman kita sa dorm n'yo" paliwanag n'ya
"Salamat pero hindi na kailangan" sagot ko
"Malapit na rin naman tayo, tapos itataboy mo pa ako?"
"Kukunin ko lang naman kasi yung gitara ko masyado ka namang ano. Bababa lang akong isang floor oh."
Sa hinaba-haba ng pagtatalo namin, eto at nakarating na kami sa dorm
Binuksan ko ang pinto, at s'ya naman, umupo lang sa sofa. Pagkatapos ay dumiretso na rin ako sa kwarto ko para kunin yung gitara
Nagulat ako nang biglang sumunod sa akin si Ely, "Asan na yung strat mo? Tingin nga"
"Tangina mo naman. Nakakagulat ka"
"Panong gulat?" asar n'ya, sabay upo sa swiveling chair ko
Nilabas ko yung gitara sa gig bag, at inistrum bago ibigay sa kanya
"Tangina, Sunburst. Ganito yung gusto ko eh" saad ni Ely
"Edi bumili ka!" sabay agaw ko sa kanya
"Tinitingnan ko pa e"
"Mamaya na. Halika na"
Pinandilatan n'ya ako bigla ng mata, "Ano?! Halikan na?"
YOU ARE READING
Alegria
FanficEraserheads Fanfic. A story inspired by the band's song, 'Ligaya.' Book Cover by: tapsilogues Date Started: November 14, 2020 Date Finished: August 13, 2021
