"Nagi-guilty talaga ako. Ayoko na." bulong ko
Hanggang sa pagbalik ko sa class namin kanina, naging tahimik ako.
Lalo kong naalala si Buendia nung Literature namin, dahil wala akong katabi ngayong araw. Pati sa pag-uwi pagkatapos ng klase, para akong balisa.
"Anong nangyari kay Ria? Bakit ang tahimik simula nung bumalik s'ya kaninang lunch?" nagtatakang tanong ni Rayms habang naglalakad kami
"Jusko, hindi ko rin alam d'yan." sagot ni Jeng kay Rayms.
Tinanong naman ako ni Jeng kung anong nangyari kanina, "Huy Ria! Ano bang nangyari kanina? 'Di ka ba nakapag-register sa org? Tara samahan ka namin ni Rayms bukas"
Dahil hindi na ako mapakali, sinagot ko na ang mga tanong nila
"Kasi kanina, kumain ako kila Aling Nena. Yung pinsan mo si Marcus, lumapit sa akin, sabi may sakit daw si Buendia" saad ko
Nagulat naman sila sa kinuwento ko. Kahit si Rayms nagtaka dahil kahapon nakakausap pa raw nila si Buendia
"So you mean, matapos n'yong maulanan kahapon, nagkasakit s'ya?" tanong ni Jeng
"Oo! Eh pinahiram ko naman s'ya ng damit kahapon para mapalitan yung basa n'yang damit. Nagtanong pa nga ako kay Marcus kung pwede pumunta sa dorm nila para kumustahin si Buendia eh. Kaso-"
Pinutol naman ni Raymund ang sinasabi ko
"Buti na lang din at 'di mo binalak. Baka magpang-abot kayo nung ka-m.u n'ya hahaha!" sabay diin n'ya sa salitang 'm.u'
"Bakit naman kasi parang praning na praning ka? Para 'yun lang eh" saad ni Jeng sa akin
"I felt guilty Jeng. Kung 'di ako nagpahatid sa kanya kahapon edi sana nakauwi s'ya agad 'di ba?"
"Naku, ganun lang talaga yung gago na 'yun sa mga nakakasalamuha n'yang babae. Kaya si Toyang nagse-"
Pinigilan naman ni Jeng ang sinasabi ni Rayms at pinauwi na ito. "O sige na Raymund Emmanuel, nandito na tayo sa dorm. Umakyat ka na dun!" taboy ni Jeng kay Rayms
Did he just say 'nagseselos'? Kasi naman Buendia, masyadong pakitang tao sa babae.
Buti na lang hindi ako naf-fall sa mga lalaking tulad n'ya.
Pagpasok namin ni Jeng sa dorm, nagpaalam ako sa kanya na hindi muna kakain.
Pumayag naman s'ya, at sinabing magluluto na lang daw s'ya ng instant noodles para sa sarili n'ya.
Gagawin ko na lang muna yung assignment na binigay sa amin kanina, at magpapahinga na rin pagkatapos.
Napagod ako masiyado sa mga narinig ko kanina
And at the same time, na-guilty sa nangyari kay Buendia.
I sit on my study table, at kinuha ang notebook ko. Nagresearch ako sa laptop ng mga answer sa assignment.
Pagtapos nun, i sat on my bed, at nag-isip na naman ng kung ano-ano
"Nakakainis, may sakit naman pala, hindi man lang sinabi. Pinag-alala pa ako." bulong ko
Wait? Did i just say 'nag-alala'? Teka bakit ako nag-aalala? Sinabi ko talaga 'yun?
Jusko, hindi ko na talaga alam nangyayari sa sarili ko. Tangina.
Nagulat ako, nang biglang may notification na lumabas sa screen ng phone ko. I thought it was our group chat again dahil sila lang naman ang maingay ng ganitong oras pero...
YOU ARE READING
Alegria
FanfictionEraserheads Fanfic. A story inspired by the band's song, 'Ligaya.' Book Cover by: tapsilogues Date Started: November 14, 2020 Date Finished: August 13, 2021