"Im here on a coffee shop, drinking iced coffee for meryenda. Tapos kayo, drinking iced coffee for nothing?"
Kakatapos ko lang maglayout ng isang article at naisipan ko munang magpahangin outside the office
Kaya naghanap ako ng isang malapit na coffee shop.
Dala ko ang laptop ko doon at nagta-type ng something habang kausap sila Mira. Hapon na rito at madaling araw sa Pilipinas.
"Mukha ba 'kong nagkakape?" saad ni Mira
"Okay sige. Ikaw na healthy living." sagot ko
"Tutal mga gising pa naman tayo pare-pareho, pag-usapan na natin yung sa kasal" sabi naman ni Grace
Sumagot naman si Rose, "'Di ba dapat, kayo ni Harry ang nag uusap tungkol diyan?"
"Ayaw mong sumama sa entourage teh?" sabay tawa ni Blythe
"Gusto ko nga paglakad ko sa entourage, pagkain na agad sasalubong sa akin e"
High school pa lang kami, ganiyan na ang laging sinasabi ni Rose sa amin kung sakaling sino ang unang ikasal
Ayaw niya raw umattend ng mismong wedding. At ang gusto, reception na agad.
"Gutom ka ba Rose? Kumain ka na lang" pabirong saway sa kanya ni Mira
"Sorry na, pagod lang talaga sa trabaho kaya ganito hehe"
"Teka! Eto na oh, chichika ko na oh! Ayaw niyo ba? 'Wag na kayo sasama sa kasal—"
"Just talk na lang Grace! Dalian niyo at ngayon lang free time ko. Bahala kayo sige." sagot ko sa kanila na napakarami pang chika sa buhay
"Okay so ganito.... malamang sa malamang, wala sa inyo ang maid of honor dahil si Ate ang kukunin ko."
"So bali kami ang bridesmaids?" tanong ni Blythe
"Oo, ayaw niyo ba?" tumawa si Grace, "Ang problema ngayon, yung mga groomsmen"
Biglang sumigaw si Mira, "Alam ko na! Naiisip mo ba ang naiisip ko Grasya..."
"Teka.... Hahahahahahahaha! Medyo.... Hahahahahahaha! Gets ko na!"
Natunugan agad ako sa mga narinig kong tawa nila. Kaya sumipsip na lang ako sa iced coffee ko
I think, may balak 'tong mga 'to. Especially, against me. Malakas ang pakiramdam kong pagtitripan na naman ako ng mga 'to.
Ako na naman ang biktima, at sila ang kriminal.
"'Wag na 'wag kayong magbabalak ng masama against sa akin. Pwede kong i-urong yung pagbili ko ng plane ticket ko sige kayo."
Tumawa si Mira sa sinagot ko, "Akala mo talaga nakabili na oh!"
"Malapit na 'kong makabili. At kung pwede sana, kayo muna ang makaalam. 'Wag sanang makarating kila Mama, please lang"
Ayaw ko kasing malaman nila Mama na uuwi ako. Gusto ko silang sorpresahin kahit na ang ipupunta ko lang naman talaga doon sa Pilipinas ay ang kasal ni Grace
"Okay noted." sagot ni Grace, "Eh kay Ely? Ayaw mo rin ipaalam sa kaniya?"
"Ay teka hot issue 'to...." biglang singit ni Rose, "Ayan ba ipaparter mo kay Ria, Grace?"
"Teka, hindi 'yan yung nasa isip ko kanina pero.... ang talino mo talaga Rose! Agree ako diyan!"
Nananahimik lang ako kanina, pero now, i chose to talk. "Pwes ako, hindi!"
YOU ARE READING
Alegria
FanfictionEraserheads Fanfic. A story inspired by the band's song, 'Ligaya.' Book Cover by: tapsilogues Date Started: November 14, 2020 Date Finished: August 13, 2021