37

123 10 2
                                        

"Good morning, Ligaya! Kain ka na!" bati sa akin ni Jeng paglabas ko ng kwarto ko

Anak ng- ang sakit, sakit ng ulo ko. Ano bang ginawa ko kagabi?

"Anong Ligaya sinasabi mo?! Ayos ka lang ba?"

"Sa tingin ko, ikaw ang dapat tanungin kung ayos ka lang ba. Hahahaha!"

"Ikaw sumundo sa akin kagabi 'di ba? Anong sabi nila Grace?"

"Ha? Anong sumundo? Gaga, tulog na ako nung tumawag ka" sagot ni Jeng

Tangina? So kung tulog s'ya... sinong sumagot nung tawag ko?

"Nagising lang ulit ako nung nakauwi na kayo" dagdag pa n'ya

"'Kayo?' Sinong tinutukoy mo? Sinong sumundo sa akin?" nagtataka kong tanong

"Hindi mo alam? Si Ely sumundo sa 'yo kagabi, buang! Hiniram n'ya yung kotse ni Rayms"

Putangina. Kung alam ko lang na s'ya pala yung susundo, sana doon na lang ako natulog kila Rose.

Kaya pala ang naalala ko, ibang boses yung kausap ko kagabi. Ang lakas ko pang magpasundo

"Sigurado ka? Kaya pala hindi ikaw yung narinig kong-"

"Actually, ako dapat sasagot nung nagising ako sa lakas nung ring. Kaso nung makita ni Ely na pangalan mo yung nakalagay, inagaw n'ya sa akin yung phone. Kaya-"

"At talagang hindi mo pinigilan 'no?"

"Aba malay ko bang makikipag-unahan pa s'ya sa akin dun sa susi ng kotse" pagdadahilan ni Jeng

"Hay nako Jeng. Pasalamat ka na lang talaga at mahal kita, kung hindi, baka kung ano na nagawa ko sa 'yo" saad ko

Umupo ako sa harap ng mesa na hindi maipinta ang mukha habang hinahalo ang kape na tinimpla sa akin ni Jeng

Nakita kong ngumingisi si Jeng kaya tiningnan ko s'ya nang masama

"Kasi naman Ria, ano bang problema d'yan kay Ely at isang linggo mo nang hindi pinapansin?"

"Naguguluhan na kasi ako. Alam mo yung feeling na gusto ko na s'yang sagutin kaso parang ang daming pumipigil, ganon?" sagot ko

"Edi humanap ka ng right time! Gusto mo sa mismong music battle? Why not 'di ba?"

"Salamat sa idea pero parang lalo mo lang dinagdagan yung iisipin ko" sabay ngiti ko ng pilit sa kanya

Pagkatapos ng usapang 'yon ay tinuloy-tuloy ko na lang ang pagkain ko ng almusal.





"More than Words, is all you have to do to make it real-"

"Then you wouldn't have to say, that you love me-" singit ni Ely sa pagkanta ko

Natigil ako sa pagtugtog at napatingin sa kanya, "Anong ginagawa mo rito?! At sinong nagsabing pumasok ka?"

"Ako, bakit?"

Hindi ko na talaga alam kung anong meron sa utak nitong Ely na 'to

Aba, at akala mo kung sinong makabukas ng pintuan ng kwarto ko at dere-deretsong pumasok

"Lumabas ka na nga!"

Kita mo 'yan, tatawa-tawa pa.

"Ano bang kailangan mo ha? May nakakatawa ba?" pagtataray ko

"Alam mo ba kung anong nangyari kagabi?"

Eto na nga ba sinasabi ko eh. Nabalik na naman yung usapan kanina na ayoko nang maalala

AlegriaWhere stories live. Discover now