Soulless Chapter 56: Her Dark Ally

396 13 10
                                    

Soulless Chapter 56:
Her Dark Ally
~♛♛♛~

I held my ground as they surround me.

Hindi ko matiyak ang bilang ng mga lobong nakapalibot sa akin ngunit ang nasisiguro ko ay hindi nila gusto ang presensiya ko.

At ang nakakatuwa sa sitwasyong ito ay ang katotohanang walang takot na bumalot sa sistema ko habang hinihintay ang kanilang pinuno.

Kung tulad parin siguro noon ang elise na kaharap nila ngayon ay tiyak na galit at pangungutya ang makukuha nila sa akin dahil pinaghihintay nila ang tulad ko. My title gives me a lot of privilege, but things need to change and i needed to blend with it.

Sa huli, ako parin ang may kailangan sa kanila.

"Narito na ang pinuno!"

Yumuko ang lahat maliban sa akin sa sigaw na iyon, at kahit malayo ay nakilala ko na agad ang pinunong paparating.

Si ginoong Deacon, ang ama ni Dylan.

Yumukod siya ng bahagya ng makalapit sa akin at sinuri ng mabuti ang aking paligid. At sa isang simpleng pagtango niya ay isa isang nag alisan sa paligid ko ang mga tauhan niya.

"Paumanhin sa inasal nila lady Elise, hindi lamang nila inaasahan ang pagdating mo lalo na sa sitwasyon ngayon."

Malumanay ang boses niya at maamo ang mga mata, tulad na tulad ng sa kaniyang anak.

Napakuyom ang kamao ko ng maisip ang lalaking iyon kasabay ng munting kirot na hindi ko maipaliwanag kung saan nanggagaling.

Sa mga sugat ko o sa mismong puso ko?

Hindi ko alam, hindi malinaw.

Kinalma ko ang sarili ko at inaalala ang dahilan kung bakit ako nakatayo sa kaniyang harapan.

"Gusto kong tumawid sa mundo ng mga tao-"

"Hindi pwede" hindi tumaas ang boses niya ngunit may pinalidad sa sagot niyang iyon na hindi ko maaaring salungatin.

Bahagya ring sumerseryoso ang mukha niya at batid kong hindi rin niya gustong narito ako sa kanilang lugar.

Hindi ko siya masisisi kung aayawan niya ang tulad ko. Dahil kahit sino marahil ay aayaw rin sa isang mataas na tulad ko, na may masamang reputasyon.

But i am Elise, sanay na akong inaayawan ngunit sa huli nakukuha ko parin kung ano ang naisin at gustuhin ko.

And i needed him to do my order, no matter how dangerous it is. He needed to give way for me.

"Hindi ako nagtatanong ginoo, inuutusan kita na hayaan akong makatawid." I simply say it with the voice of a real Crossiford.

I maybe dying inside my own agony, but it is not enough to make me weak in front of everyone.

Kaya ko pa. Magagawa ko pa.

"Paumahin kamahalan ngunit hindi kita maaaring payagan. Labag sa batas ng mga bampira ang tumawid sa lugar na iyon at mismong ang iyong ama ang nagbigay ng kautusang iyon."

Kusang nagbago ang kulay ng aking mga mata ng marinig ang sagot niya.

Bawat minuto mahalaga, at bawat segundo na nagmamatigas siya ay nilalagay niya sa alanganin ang buhay ni Athalia.

Hindi ko man batid kung ano ang plano ni athalia, ngunit nasisiguro kong hindi iyon makakabuti para sa kaniya.

At ang lalaking nasa harap ko ang nagpapatagal sa lahat.

Ama siya marahil ng lalaking itinatangi ko ngunit buhay ng aking pinsan ang nakataya sa pagkakataong ito.

Mas mahalaga ng higit sa kahit kaninuman si athalia, kahit pa sa lalaking iyon.

The Soulless Queen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon