Soulless Chapter 63: Lair of Truth

257 4 0
                                    

Soulless Chapter 63:
Lair of Truth
~♛♛♛~

Dark clouds welcomed us.

The whole town seems to be on a gloomy era as we past by. Lahat sila ay masama ang tingin sa akin.

I noticed their rage, and I heard their whisper.

'bakit bumalik pa ang batang iyan!'

'hindi dapat natin siya tinulungan'

'mapapahamak tayo dahil sa kaniya'

This are some of the words i keep hearing. At mukang walang alam si Dylan sa mga bulong na iyon kung kaya't hindi ko na binigyan pansin.

But that doesn't mean it didn't bother me at all.

The clouds, the air and the way they stares at me. All of  it are the signs that something happened while I'm gone.

The fear screams on my head as the sight of vision show on my memory, but i just shook it away.

Humigpit ang hawak ko sa balabal na suot, ngunit ang mga mata ko ay nakatitig lamang sa direksyon kung saan nag-aabang sa amin ang pinuno ng bayang ito.

"Welcome back to Harilia Lady Elise."

Masiyadong pormal, iyon ang unang pumasok sa isip ko ng marinig ang pagbati ng ama ni Dylan. Malayo iyon sa pinunong nagligtas sa akin sa mundo ng mga mortal.

Mas humigpit ang hawak ko sa tela ng maisip na baka dahil iyon sa nasaksihan niyang pag-inom ko ng dugo mula sa kaniyang anak.

Humakbang ako upang ipaliwanag ang sarili ko sa pinuno ngunit sa isang hakbang ko pa lamang ay isang batalyon kaagad ng mga lobo ang humarang sa kanilang pinuno.

Napansin ko ang paghaba ng mga kuko nila at ang unti-unting paglitaw ng mga kayumangging balahibo sa gilid ng kanilang mukha.

Dylan put his hand in front of me, as if protecting me from his people.

Lumingon ako sa paligid at doon ko lamang napansin na nakahanda rin silang sumugod sa akin.

"Ama" narinig ko ang boses ni Dylan, dahilan para mapabalik ang tingin ko sa kanilang pinuno.

Kilala ang pinuno nila bilang kalmado at patas, ngunit sa nakikita ko ngayon ay malayo siya sa mga titulong iyon. Kalmado man siya at di nagpapakita ng pagiging mabangis tulad ng mga kasama niya, ngunit ramdam ko ang galit mula sa kaniya.

Ramdam ko iyon mula sa mga titig niya.

"Ibinilin ko sa iyo na huwag patatawirin ang kamahalan sa lagusan, bakit hindi mo ako sinunod?" Narinig ko ng malinaw ang sinabing iyon ng pinuno nila ngunit tila nabingi ako ng halos walang mabuong salita si Dylan sa simpleng tanong na iyon.

Tatlong araw, tatlong araw lamang akong nawala ngunit parang ang daming bagay na naganap sa Harilia. Ngunit bakit pa nga ba ako magtataka, kung sa tatlong araw na iyon ay nagawang maglihim sa akin ng lalaking nasa harap ko ngayon.

Pakiramdam ko ay itinago niya ako sa dilim at binulag sa liwanag ng mga nagaganap sa sarili  kong kaharian.

"Kung gayun ay wala paring alam ang prinsesa sa nangyayari sa palasyo. Tama ba kamahalan?" Bumaling ang tingin sa akin ng ama ni Dylan, at aaminin kong hindi ko nagugustuhan ang nangyayari ngayon sa akin.

Ayoko sa pakiramdam ng maiwan sa dilim at mas lalong ayoko ng pakiramdam na minamaliit ng kahit na sino.

Ngunit wala rin akong naisagot sa tanong na iyon. Sino nga ba ako para mag matapang sa harap niya gayung wala akong ginawa sa tatlong araw na lumipas kung hindi ang mangarap ng buhay na kailanman ay hindi para sa akin.

The Soulless Queen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon